What's new

Trivia Dapat mong malaman na ito na ang mga huling araw

blame it on me

Forum Veteran
Elite
Joined
Jun 27, 2018
Posts
1,005
Reaction
2,880
Points
752
Age
27
Sabi ng Makapangyarihang diyos,

Dapat mong malaman na ito na ang mga huling araw.
Ang diyablong si Satanas, gaya ng isang leong umaatungal, ay umaali-aligid, naghahanap ng mga taong masisila.
Ang lahat ng uri ng mga salot ay lumilitaw na ngayon, at maraming iba’t ibang uri ng masasamang espiritu.

Tanging Ako ang tunay na Diyos; tanging Ako ang iyong kanlungan. Ngayon, wala kang magagawa kundi magtago sa Aking lihim na dako, tanging sa loob Ko, at ang mga sakuna ay hindi darating sa iyo, at walang kalamidad ang makalalapit sa iyong tolda.

Dapat kang lumapit sa Akin nang mas madalas pa at makipagbahagian sa Akin sa lihim na dako; huwag pabayang makipagbahagian sa iba. Kailangan mong maunawaan ang kahulugan sa Aking mga salita—hindi Ko sinasabi na bawal kang makipagbahagian, kaya lamang ay wala ka pa ring pagkakilala.

Sa panahong ito, laganap ang gawain ng masasamang espiritu. Ginagamit nila ang lahat ng uri ng tao upang magbahagi sa iyo.
Ang kanilang mga salita ay lubhang kasiya-siyang pakinggan, ngunit may lason sa loob.
Ito ay mga balatkayong bala at bago mo ito matanto, itatanim ng mga ito ang lason sa loob mo.
Dapat mong malaman na karamihan ng mga tao ngayon ay hindi matatag, na para bang sila ay lasing.
Kapag ibinabahagi mo sa iba ang iyong mga paghihirap, ang sinasabi nila sa iyo ay mga panuntunan at doktrina lamang, at hindi ito kasingbuti ng tuwirang pagbabahagi sa Akin.

Lumapit ka sa harap Ko at ilabas mo ang mga lumang bagay sa loob mo; buksan ang iyong puso sa Akin at ang Aking puso ay tiyak na mabubunyag sa iyo.
Ang iyong puso ay dapat na maging masigasig sa harap Ko.
Huwag maging tamad, sa halip ay malimit na lumapit sa Akin—ito ang pinakamabilis na paraan upang lumago ang iyong buhay.
Dapat kang mabuhay sa loob Ko at Ako ay mabubuhay sa loob mo, at Ako ay magiging Hari sa loob mo, na pumapatnubay sa iyo sa lahat ng bagay, at ikaw ay magkakaroon ng bahagi ng kaharian.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
 

Similar threads

Back
Top