What's new

Daily Bread (September 9 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" " ANG TUNAY NA PAGIBIG SA DIOS"
(JUAN 14:21)
Ang tunay at wagas na pag-ibig para sa Diyos ay nangangahulugan ng totohanang pagsunod sa Kanyang kalooban. Ayon sa Juan 14:21, —Ang sinumang umibig sa Akin ay nagtataglay ng mga utos Ko at sinusunod ang mga ito. Ang umibig sa Akin ay ibigin ng Aking Ama. Iibigin Ko rin siya at magpapahayag Ako sa kanya.“
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Masasabing walang tunay na pag-ibig sa Diyos kung wala ang tunay na pagsunod sa Kanyang kalooban. Ito rin ang ipinamamanhik ni Apostol Juan, “Mahal kong mga anak, huwag tayong umibig lamang sa salita, kundi sa gawa at sa katotohanan“ (1 Juan 3:18). Kung ating ibigin ang Diyos sa salita lamang, balewala ang ganong uri ng pagmamahal. Mga kapatid ibigin natin ang Dios ng ating buong puso at pagiisip at lakas.. Sabi sa aklat ng (Lucas 10:27) ,
"At pagsagot niya'y sinabi, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong lakas mo, at ng buong pagiisip mo; at ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili" ... Ang tunay na pagibig sa Dios ay hindi sa salita lamang kundi ito ay nakikita sa ating mga kilos at gawa, muli ang biyaya at pagiingat ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top