What's new

Daily Bread (September 8 2021)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,454
Reaction
590
Points
1,085
"MAMUNGA NG SAGANA"
(JUAN 15:5)
5 “Ako ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang nagbubunga nang sagana, sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin.
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid, muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.... Sabi ng ating talata ang nananatili kay Kristo ay nagbubunga ng sagana, sapagkat walang magagawa ang sinuman kung hiwalay sa Kanya.
Sa mundo ng tao, sinisikap niya na makamit ang kanyang mga layunin at iniisip na dahil sa kanilang mga ginagawa ay masusumpungan nila ang kahulugan ng buhay. Ilan sa mga pinagsisikapang makamit ng tao ay ang tagumpay sa negosyo, pagkakamal ng maraming salapi, pagkakaroon ng mabuting relasyon, pag-aasawa at paggawa ng mabuti sa kapwa at marami pang iba. Subalit maraming tao ang nagsabing sa kabila ng nakamit na nila ang lahat ng kanilang mga pangarap, nagkamal na ng kayamanan at nagkaroon ng mabuting relasyon at nakamit ang pinapangarap na maging asawa ngunit tila mayroon pa ring kulang sapagkat may puwang sa kanilang mga puso na kailanma'y hindi kayang punan ng ano mang bagay sa sanlibutan na Diyos lamang ang tanging makapupuno. Hindi tayo mamumunga ng sagana at kuntento kung hiwalay tayo kay Kristo..
Hungkag ang puso ng taong walang Dios, laging maghahanap, laging may kulang. Si Kristo ang tanging makapagpupuno ng mga kakulangan nararamdaman natin sa ating buhay, Siya ang kasapatan at kaligayahang hinahanap natin... Kapatid nais mo bang maranasan ang buhay na masaya at kumpleto, ang Panginoong Hesus ang kailangan mo. (Colosas 2:10)" 10 Kaya't nalubos ang inyong buhay sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa sa kanya, na siyang nakakasakop sa lahat ng kapangyarihan at pamamahala."
SI Yahweh lamang ang makapagbibigay sa atin ng lahat lahat ng ninanasa natin sa ating buhay sabi ng mga (Awit 16:5)" Ikaw lamang, Yahweh, ang lahat sa aking buhay, lahat ng kailangan ko'y iyong ibinibigay, kinabukasan ko'y nasa iyong mga kamay."
Walang katiyakan ang buhay sa mundo, Tanging si Kristo lamang ang ating katiyakan at pag asa, kaya sa Kanya tayo magtiwala ng lubusan at tiyak na hindi tayo mabibigo.Ang sinumang nananatili kay Kristo ay mamumunga ng totoong kasaganaang pang walang hanggan, hindi tulad ng alok ng mundo na pansamantalang kasaganaan lamang ang maibibigay..
Pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top