What's new

Daily Bread (September 7 2021)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,454
Reaction
590
Points
1,085
Juan 10:10
Magandang Balita Biblia
10 Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, buhay na masaganang lubos
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ang totoong kahulugan ng buhay ngayon at ang buhay na walang hanggan ay matatagpuan lamang kung makakaroon muli ang isang tao ng relasyon sa Diyos. Naputol ang naturang relasyon noong nagkasala si Adan at Eba. Ngayon, ang relasyon ng tao sa Panginoon ay posibleng maibalik sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Hesu Kristo. (Gawa 4:12, Juan 14:6, Juan 1:12) Makakamit ng isang tao ang buhay na walang hanggan kung pagsisisihan niya ang kanyang mga kasalanan (Kung ayaw na niyang ipagpatuloy ang kanyang pagkakasala, at nais niyang baguhin siya ni Hesus at gawing bagong nilalang) at mananampalataya kay Hesus bilang kanyang tagapagligtas
Ang totoong kabuluhan ng buhay ay hindi makakamtan kung alam lang natin na si Hesus ay ang tagapagligtas. Sa halip, ang totoong kahulugan ng buhay ay matatagpuan kung ang isang tao ay susunod kay Kristo bilang Kanyang alagad, kikilalanin Siya at magbigay ng panahon para sa Kanya at sa Kanyang Salita, Ang Bibliya. Kasama dito ang pagsamba, pasasalamat, paghingi ng tawad at pagpapaabot sa Diyos ng kahilingan sa pamamagitan ng panalangin at paglakad sa buhay na ito kasama ang Panginoon, bilang pagsunod sa kanyang kautusan
Muli ang pagpapala at biyaya ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng Panginoong Hesu Kristo. Amen

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top