What's new

Daily Bread (September 6 2022)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
"BAKIT TINUGON NG MASAMANG HUKOM ANG KAHILINGAN NG BIYUDA"
(LUCAS 18: 4-5)
Tinanggihan siya ng hukom sa loob ng mahabang panahon, ngunit nang magtagal ay sinabi ng hukom sa sarili, ‘Kahit ako'y walang takot sa Diyos at walang iginagalang na tao, 5 ibibigay ko na ang katarungang hinihingi ng biyudang ito, sapagkat lagi niya akong ginagambala at baka mainis pa ako sa kapupunta niya rito.’”
Kung ganito ang judge na nilalapitan ng babaeng ito, sa tingin n’yo ba ay may pag-asa siyang makuha ang hinihiling niyang katarungan? Malamang wala. Sa mahabang panahon ng paghingi sa kanya ng tulong ng babae hindi niya ito iniintindi. Ayaw niyang pakinggan ang kaso. Wala siyang pakialam. Kasi nga inamin din niya na wala talaga siyang takot sa Diyos at wala siyang pakialam sa tao. Likas sa kanyang ganito ang maging ugali niya sa babae. Ilang ulit na ganito ang eksena. Hanggang napuno na ang judge at nakulitan na. . Makasarili pa rin ang gusto niya kaya niya pinagbigyan ang babae. Nakukulitan na. Ayaw na niyang may umiistorbo sa kanya. Naiinis na at nasabing, “Sige na, sige na, dahil ang kulit mo. Sige ibibigay ko na ang hinihiling mo! Basta ‘wag mo na ulit akong guguluhin.” Dahil sa palaging pakikiusap ng babae, nakuha niya ang hinihingi niya.
ANG MALING ENTERPRETASYON SA TALINGHAGA
“Kailangan pala sa Diyos kulitan. "(ito ang akala ng iba,... maling akala!)
Siguro kapag kinukulit ko siya palagi at ibigay na niya ang hinihingi ko.” Sa isang banda kailangan tayong maging katulad ng biyuda na hindi nagsawa sa paglapit sa judge hangga’t hindi nakukuha ang hinihiling. Iba po ang persistent sa pagiging makulit. GLORY TO CHRIST JESUS AMEN!


Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top