What's new

Daily Bread (September 6 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"HUWAG NG MAG-ALINLANGAN PA"
( HEBREO 10:23)
Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag ng mag alinlangan pa, sapagkat tapat ang nangako sa atin.
Isang mapagpalang araw pong muli sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ano ba itong pag asa na sinasabi ng ating talata na huwag nating pag alinlanganan? . At ang sabi pa ay magpakatatag tayo sa pag-asang ito.. Mga kapatid ito po ay mga pangako sa atin ng Panginoong Hesu Kristo. Ang kaligtasan, ang buhay na walang hanggan, ang kapanatagan sa piling Niya, ang pag kuha sa ating mga pasan, ang kagalakan sa gitna ng kapighatian at napakarami pang mga pangako ng Panginoon sa atin. Una kung bakit dapat nating panghawakan ito, ay sapagkat ang nangako sa atin ay Dios. Ang Dios kailanman ay hindi maaring hindi tutupad sa Kanyang mga pangako.Sabi ng ating talata ang nangako sa atin ay tapat... Ang langit at lupa ay lilipas subalit ang mga Salita ng Dios ay mananatili magpakailanman. Hindi siya kagaya ng tao na pumapalpak sa mga pangako. Ang bawat pangako ng Dios ay tiyak na Kanyang tutuparin. Pangalawa, ang mga pangako ng Dios ay matatag at hindi matitinag kailanman, sa bawat Saling lahi mula kay Abraham, Isaac at Jacob ang mga pangako Niya ay hindi nagbabago, magpapa hanggang ngayon ito ay mananatiling matibay at matatag. At pangatlo lahat ng pangako ng Dios ay para sa ating ikabubuti, hindi Siya nangako ng para sa ating ikasasama. Ang diablo ang mga pangako ay magdadala sa atin sa kapahamakan, samantalang ang pangako ng Dios ay maghahatid sa atin sa isang buhay na ganap at kasiyasiya..Mga kapatid magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang Panginoong Hesus na nangako sa atin ay tapat..
Ang pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top