- Joined
- Sep 25, 2019
- Posts
- 1,455
- Reaction
- 590
- Points
- 1,085
(MARCOS 11:24)
"Kaya tandaan ninyo anumang hilingin ninyo sa Diyos sa panalangin, manampalataya kayong natanggap nyo na ito, at matatanggap nga ninyo."
Tinuturuan tayo dito ng Diyos ng tamang paggamit ng pananampalataya, na nagpapakita na ang pananampalataya ay pagasa sa mga bagay na hindi pa natin nakikita, katulad ng sinasabi sa( Hebreo 11:1)" Ang pananampalataya ay katiyakan na mangyayari ang ating mga inaasahan, at paninindigan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita." Ibig sabihin kahit hind pa natin nakikita o nahahawakan, may katiyakan na tayo na ito ay ating makakamtan. Angkinin mo na na ibinigay na sa iyo ang tugon sa iyong panalangin. Kung may karamdaman ka manampalataya kang pinagaling ka na ng Diyos. Kung may mga pagsubok. o suliranin, pinalaya ka na ng Diyos dito. Anuman ang iyong hinihingi bastat huwag lang yung labag sa Kanyang kalooban, panindigan mo at panhawakan ibinigay na sa iyo ng Diyos. Kung mananalangin tayo at magaalinlangan din lamang huwag na tayong umasang diringgin ng Diyos ang ating panalangin. Sabi ng aklat ni (Santiago 1:6-8) " Subalit ang humihingi ay dapat magtiwala sa Diyos at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan. 7 Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong 8 pabagu-bago ang isip at di alam kung ano talaga ang nais niya."Paano mong tatanggapin sa Diyos ang isang bagay na hinihingi mo Kung pabago bago ka ng isip? MGA KAPATID MANALANGIN KA sa Diyos at angkinin mo na ang sagot ng Diyos sa iyo.PURIHIN SI YAHWEH. AMEN!
Pastor Ombie Lontoc
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Last edited: