What's new

Daily Bread (September 27 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"INGATAN MO ANG IYONG PUSO"
(Kawikaan 4:23)
" Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap, sapagkat dinadaluyan ng buhay."

Isang mapagpalang araw pong muli sa ating lahat mga kapatid, muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ang ating puso ang sentro ng ating buhay kaya naman itinatagubilin ng Salita ng Dios na ito ay ating pakaingatan.
Una ingatan natin ito sa pisikal o pangkalusugang aspeto, dahil kapag nagkaroon po tayo ng karamdaman sa puso ito ay panghabang buhay ng gamutan, nagiging sanhi pa ng atake at naghahantong sa maagang kamatayan. Iwasan natin ang pagkain ng taba mga pagkaing mamantika at maalat dahil dito malimit nakukuha ang sakit sa puso.
Subali't sa ating aralin ang tinutukoy po ng talata natin, ay ang pagiingat sa ating puso na huwag pamahayan ng mga maling gawain, ng masasamang pita at mga ibat ibang uri ng kasalanan, sabi po ng ating talata ang puso ang dinadaluyan ng buhay, kung ang laman ng ating puso ay mga bagay na marumi, galit sama ng loob, kasalanang paulit ulit, unti unti po nating pinapatay ang ating puso dahil nalalayo ito sa Dios. Kung ang ating puso ay malayo sa Dios ito ay hahantong sa kamatayang walang hanggan... Subali't kung ang ating puso ay ating iingatan sa pagagawa ng kasalanan at pulos mabubuting bagay lamang ang ating isinisilid dito mapapalapit po tayo sa Dios. Una sa lahat si Kristo ang gawin nating sentro at Haring nakaluklok sa ating puso. Kung ang Panginoong Hesus ang naghahari sa ating puso hindi po Niya hahayaang mapahamak ang Kanyang tirahan, walang iba kundi ang ating puso at ikaw iyon mismo kapatid. Sabi po sa (Pahayag 3:20) " Tingnan mo! Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako at kakain akong kasalo niya." Patuluyin mo ang Panginoong Hesus sa iyong puso at tiyak na ihahatid ka Niya sa buhay na walang hanggan.. Kapatid nakatira na ba si Kristo sa puso mo? Kumakatok Siya sa iyong puso, Patuluyin mo Siya ng buong pananampalataya.
Ang pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top