What's new

Daily Bread (September 23 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
. "ANG DAKILANG UTOS".
"Ito ang pinaka dakilang utos ng ating Panginoong Hesu Cristo, na tinatawag din nating The Great Commission.. Ngayon ko pa lang halos nararamdaman yung kahulugan ng utos na ito, bagamat medyo matagal na rin akong naglilingkod sa Diyos bilang tagapaghayag ng Kaniyang mga salita. Sa ating Bansa, kung saan ang pangangaral ay madali lang dahil hindi naman ito bawal, marami pa rin sa ating mga Kristiyano maging mga pastor ay takot mangaral o magbahagi ng Pagliligtas ng Panginoong Hesus.. Nakuntento na ang marami ang alagaan ang iilan nilang miembro sa simbahan at paulit ulit na gawin ang ritwal na pagsamba sa Diyos.. Sinasabi nila na hindi naman paramihan ng miembro ang paglilingkod bilang mangagawa ng Diyos.. Subalit malinaw po ang utos ng Panginoong Hesus sa ating talata.. "Humayo kayo, gawin ninyong mga alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga Bansa." Nais ng Panginoong Hesus na tayo ay humayo, lumabas sa ating mga kanya kanyang simbahan at mangaral ng tungkol sa Kanyang pagliligtas sa lahat ng tao. Kahit sa aming simbahan ito ang lagi naming iginiit, huwag tayong makuntento na tayo tayo lang, dahil napakarami pang tao ang ngangailangan ng kaligtasan. Masaya sa church, masayang mag-awitan at sumambang sasama sama sa loob ng ating Iglesia,... pero paano naman yung iba, na milyon milyon pa ang bilang na hindi pa kabilang sa tunay na Iglesia ng Diyos? Kailan pa tayo mangangaral sa kanila? Kailan pa tayo kikilos para humayo at sundin ang Dakilang utos ng Panginoong Hesus... Marami pa sanang maliligtas kung lahat lang tayo ay maghahayag ng Mabuting Balita ng Kaligtasan, sabi ng ( Roma 10:14-16), "14 Ngunit paano sila tatawag sa hindi nila sinampalatayanan? Paano naman sila sasampalataya sa hindi nila napakinggan? At paano sila makikinig kung walang mangangaral? 15 At paano sila mangangaral kung hindi sila isinugo? Gaya ng nasusulat, “Napakaganda ng mga paang nagdadala ng mabuting balita!” 16 Subalit hindi lahat ay sumunod sa ebanghelyo..".Lahat ng tumanggap sa Panginoon Hesus ay isinugo upang mangaral, unang una sa ating pamilya at sa ating mga mahal sa buhay. Mga kapatid, humayo po tayo at mangaral sapagkat malapit na pong bumalik ang may ari ng anihin ang ating Panginoong Hesus.

FB_IMG_1664194242455.jpg


Pastor Ombie Lontoc
 

Attachments

Back
Top