What's new

Daily Bread (September 20 2022)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
"KAY YAHWEH KA MAGTIWALA"
(Kawikaan 3:5-6)
Magtiwala ka nang buong puso sa PANGINOON at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang PANGINOON sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.
Ang sabi po ng ating talata ay magtiwala ka ng buong puso sa Panginoon. ito ang isa sa pinaka mahalagang bagay na kailangan nating mga mananampalataya ang MAGTIWALA NG BUONG PUSO SA PANGINOON... Ang pagtitiwala sa Dios ang isang bagay na Kanyang kinaluluguran, nais ng Dios na ilagak natin sa Kanya ang ating buong tiwala, hindi Niya nais ang kalahati lang o maliit na pagtitiwala sa Kanya, ang nais Niya ay buong pusong pagtitiwala. Kung minsan kaya hindi natin nakakamit ang mga bagay na hinihingi natin sa Dios ay sapagkat hindi tayo lubusang nagtitiwala sa Kanya, ang sabi ng ating talata ay huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan.. ito ang problema mga kapatid sinasabi nating nagtitiwala tayo sa Dios pero hindi totoong inilalagak natin ang ating buong tiwala sa Kanya, nananaig yung ating sariling lakas at karunungan, iniisip natin kayang kaya nating gawin, magaling ako, ako ang gumawa niyan o nito, nalilimutan natin na ang ating lakas at talino natin ay nanggagaling sa Dios.. Madalas kapag hindi nanatin kaya, kapag wala na tayong magawang solusyon sa isang mahigpit na sitwasyon saka lang natin naaalala ang Dios, saka tayo tatakbo at lalapit sa Kanya kapag hindi na natin kaya.. Dapat sa lahat ng bagay sa simula pa lamang ay ilagak na natin sa Dios ang ating tiwala at huwag tayong manangan sa ating sariling galing at karunungan... Pangalawa, ALALAHANIN NATIN ANG DIOS SA LAHAT NG ATING GINAGAWA... sa lahat ng ating plano at gagawin, isangguni muna natin sa Dios, upang hindi tayo pumalpak o magsisi, malimit kasi kapag nagdesisyon tayo at hindi nagtagumpay ang ating plano, saka tayo tatakbo sa Dios, nailalagay ang Dios sa huli kung kailan bagsak na lugi na o lumala na ang sitwasyon... sa umpisa pa lang, binabalak pa lang, isangguni mo na sa Kanya ang lahat ng nangyayari o binabalak mo sa buhay, alalahanin natin ang Dios sa lahat ng ating mga ginagawa o binabalangkas na mga plano.Ano po ang sabi ng talata kapag ginawa natin ito? ITUTURO NIYA SA IYO ANG TAMANG LANDAS... hindi ka maliligaw dahil isinangguni mo muna sa Kanya, nagpaalam ka muna sa Kanya, at ipinagkatiwala mo sa Kanya ang lahat ng iyong mga plano o adhikain. Sabi ng (Mga Kawikaan 16:9) "Ang tao ang nagbabalak, ngunit si Yahweh ang nagpapatupad.".. magplano man tayo ng maplano, ngunit kung hindi ito kalooban ng Dios hindi ito magtatagumpay.. Mga kapatid sundin natin at gawin natin sa ating buhay ang sinasabi ng ating talata..( Kawikaan 3:5-6)
Magtiwala ka nang buong puso sa PANGINOON at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang PANGINOON sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.
PURIHIN ANG DIYOS!

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top