What's new

Daily Bread (September 18 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" MAIKLI LANG ANG BUHAY"
(MGA AWIT 90:12).
"DAHIL ITONG BUHAY NAMI'Y MAIKLI LANG NA PANAHON, ITANIM SA ISIP NAMIN UPANG KAMI AY DUMUNONG"
Mapagpalang araw po sa ating lahat, muli po tayong magnilay ng Salita ng Dios.
Ang buhay ay maikli, tayo ay parang usok lamang na ngayon ay naririto at mamaya ay wala na... Mga kapatid ating laging isa puso at isip ito, hindi tayo mananatili sa mundong ito, isang araw iiwan natin ang lugar na ito at tayo ay tutungo sa ating pirmihang tahanan... Sabi ng isang mangangaral lagi nating isipin na ang bawat araw ay huling araw na natin dito sa mundo, upang magawa natin ang mga bagay na mabubuti at maka Dios. Sabi nga ng ating talata, maikli lang ang buhay natin, itanim sa isip natin upang tayo ay DUMUNONG... "Oo nga naman kung huling araw mo na gagawin mo na ang pinakatumpak na bagay na pwede mong magawa sa buhay mo" .. Maraming tao ay ipinagwawalang bahala ito, hindi iniisip na ang buhay ay pagaari ng Dios at anumang sandali ay pwede Niyang bawiin... Nagpapakaligaya sa mga makamundong gawain at nalilimutan na ang tungkol sa pangwalang hanggang buhay.
Mga kapatid tayong mga anak ng Dios ay manlalakbay lang sa mundong ito..( "1Cronica 29:15)" Sapagka't kami ay mga taga ibang lupa sa harap mo, at mga nakikipamayan, gaya ng lahat naming mga magulang: ang aming mga kaarawan sa lupa ay gaya ng anino, at hindi nagtatagal." Tayo po ay nakikipamayan lamang sa daigdig na ito hindi po tayo magtatagal dito, gaya ng anino tayo ay maglalaho sa daigdig na ito. (1Corinto 5:1)" 5 Alam naming kapag nasira na ang toldang tinatahanan natin ngayon, ang ating katawang-lupa, kami'y may tahanan sa langit na hindi kailanman masisira, isang tahanang ginawa ng Diyos, at hindi ng tao".... . Ang ating katawan dito sa lupa ay masisira at mabubulok, ngunit ang ating katawang panlangit ay hindi na mamamatay o masisira o ni mabubulok.. Mga kapatid, pansamantala lang ang buhay sa mundo.. Mas higit nating paghandaan at paglaanan ng panahon ang buhay na walang hanggan, maging matalino tayo gaya ng sinasabi ng ating talata.
Pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top