What's new

Daily Bread (September 14 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
JEREMIAS 29:13
Kung lalapit kayo sa akin ng buong puso, tutulungan ko kayo.
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ang hinihingi ng Dios na pag lapit natin sa Kanya ay buong puso, ayaw Niya ng paimbabaw at parang winawalang bahala Siya.
Nakaranas na ba kayo makipagusap sa isang taong parang wala namang interes na makipagusap sa atin.. másáráp kausap ang alam mong nakikinig sa iyo at ang atensyon ay sa iyo lamang nakapokus, ibig sabihin nakikipagusap Siya ng buong puso... Maging sa ating paglilingkod nais ng Dios ng buong pusong paglilingkod.. Wag nating bigyan ang Dios ng mga oras na tira tira lang natin, at nagmamadali pa tayo halimbawa ay sa pananalangin at pagaaral ng kanyang mga Salita.. Kakaunti ang oras na naibibigay natin sa Dios mas marami pang oras ay nailalaan natin sa cellphone sa fb at mga gawaing pang social media... Mga kapatid kung saan mas mahaba ang oras na ibinibigay natin sa isang bagay tiyak naroroon ang ating puso... Ang tunay na nagmamahal ay naglalaan ng oras para sa kanyang minamahal, kaya kung mahal natin ang Dios maglaan po tayo ng panahon para sa Kanya, daluhan natin ang Kanyang mga gawain basahin natin ang Biblia at basahin din natin at ibahagi sa iba ang mga araling kagaya nito sa ating mga kaibigan at kakilala.. Mararanasan natin ang pagsama at tulong ng Dios kung buong puso tayong lalapit sa Kanya.. Kapatid, gaano kalapit ang puso mo sa Dios,? inuuna mo ba Siya higit sa lahat sa buhay mo? Ang pag lapit sa Dios ay nangangailangan ng buong pusong pagpisan sa Kanyang presensiya, kung ganito ka lalapit sa Kanya, asahan mo na ang Kanyang tulong ay laan sa iyo.
Ang tulong Dios at ang Kanyang pag iingat ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top