What's new

Daily Bread (September 12 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"ANG DIOS AY PAG-IBIG"
(1 Juan 4:7)
"Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos."
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Sabi po ng ating talata, tayong mga anak ng Dios ay dapat mag-ibigan, sapagkat mula sa Dios ang pag-ibig. Ang pagmamahalan ay dapat na bumubukal sa puso ng mga mananampalataya, dahil ang Dios natin ay pag-ibig. Ang isang tunay na anak ng Dios ay dapat na may pag-ibig sa mga kapatid, dahil hindi natin maiibig ang Dios kung hindi nati kayang ibigin ang ating kapwa, ito po ang sinasabi sa (1 Juan 4:20-21)
"Ang nagsasabing mahal niya ang Dios ngunit napopoot naman sa kanyang kapatid ay sinungaling. Dahil kung ang kapatid niya mismo na nakikita niya ay hindi niya mahal, paano pa kaya niya magagawang mahalin ang Dios na hindi naman niya nakikita? Kaya ito ang utos na ibinibigay sa atin ni Cristo: ang taong nagmamahal sa Dios ay dapat ding magmahal sa kanyang kapatid."... Paano nga naman natin iibigin ang Dios na hindi natin nakikita kung ang kapatid na ating nakikita ay hindi natin kayong ibigin.. Kung minamahal natin ang Dios dapat ay minamahal din natin ang ating kapwa. Huwag tayong umibig lamang sa salita , kundi dapat din itong makita sa ating mga kilos at gawa.( 1Juan 3:18)... "Munti kong mga anak, huwag tayong umibig sa pamamagitan ng salita lamang ni ng dila lamang kundi sa pamamagitan ng gawa at sa katotohanan." Ang pinakamahalagang utos ay iniwan sa atin ng Panginoong Hesus at ito ang kabuuan ng buong kautusan sa Biblia.. (Lucas 10:27) “Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, at nang buong kaluluwa, at nang buong lakas, at nang buong pag-iisip mo; at mahalin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.”Mga kapatid hindi po pwedeng paghiwalayin ito, ating ibigin ang Dios at ibigin din natin ang ating kapwa.
Ang pag-ibig at pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top