What's new

Daily Bread (September 10 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"MALAPIT NA ANG KAHARIAN NG LANGIT"
(MATEO 4:17)
Mula noon ay nagsimulang mangaral si Jesus, at Kanyang sinabi, Magsisi kayo:sapagka't malapit na ang kaharian ng langit.
Mapagpala at maulang araw po sa ating lahat mga kapatid.. Salamat sa Dios humina na ang bagyong si Jolina.
Sabi ng ating talata ang Panginoong Jesus ay nagsimulang mangaral, at Kanyang sinasabi na magsisi na na kayo, sapagkat malapit na ang kaharian ng Dios... Kung ating pagaaralan ang Biblia halos lahat ng mga hula tungkol sa huling araw ay halos nagaganap na.. Ayon sa Mateo 24, digmaan, taggutom, mga salot, paglaganap ng kasamaan at kasalanan pagsulpot ng mga bulaang mangangaral at mga magaangking Kristo at ito ay pasimula ng lalo pang kahirapan... Dalawang libong taon ng mahigit ang nakakaraan mula nang ang Panginoong Hesus ay ipinapangaral ito.. Kaya talagang malapit na ang kaharian ng Dios. Sabi ng Panginoon magsipagsisi kayo.. Mga kapatid ito ang panahon ng pagsisisi at pagbabalik loob sa Dios at pagpapakalalim sa ating pananampalataya, dahil anomang sandali ay maaari ng bumalik ang ating Panginoong Hesus. Ihanda natin ang ating sarili sa pag harap sa Kanya at magpalakasan tayo mga kapatid, huwag ng magsiraan o magsamaan ng loob at maging malinis sa harap ng Dios ang ating pamumuhay., Upang sa pag harap natin sa Kanya ay maging karapat dapat tayong makapasok sa Kanyang kaharian.. Handa ka na bang humarap sa Dios.? . Malapit ng maganap ang mga ito kaya huwag na tayong manghina pa sa ating pananampalataya, sa halip magpakatatag tayo at harapin ng buong pananampalataya ang lahat ng pagsubok ng buhay, tandaan natin ang sinasabi sa Mateo 24 13,"Ang magtiis hanggang wakas ang siya lamang maliligtas.. Muli ang pagiingat ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman
Sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top