What's new

Daily Bread (September 1 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"UMAGANG PANALANGIN"
Maraming salamat po Dakilang Diyos at kami po ay inyong ginising ng may malakas na pangangatawan. Salamat po sa unang araw na ito ng Setyembre. Pagpalain mo po kaming lahat at ingatan. Gabayan mo po kami sa araw na ito sa lahat ng aming gagawin. Ingatan mo din po na di po kami makapagsalita ng di maganda sa aming kapwa. Tulungan mo po kaming huwag magkasala at lumakad ng may kabanalan sa iyong harapan sa araw araw. Ilayo mo po ang aming buong pamilya sa kapahamakan at karamdaman. Dulutan mo po kami ng masaganang hapag kainan na mapagsasaluhan ng aming pamilya. Ingatan mo po kami sa aming paghahanap buhay at higit po sa lahat ay samahan mo po kami sa lahat ng aming mga desisyon at mga plano upang hindi po kami magkamali ng aming pagpapasya. Dakilang Diyos sinasamba ka po namin at pinasasalamatan, Ikaw ang aming Diyos na Makapangyarihan at Dakila sa lahat. Sa iyo po ang lahat papuri at kaluwalhatian.. Ito po ang aming dalangin at isinasamo sa Dakilang Pangalan ng iyong bugtong na Anak na si Hesu Kristong Panginoon namin.. Amen.


English Translation



"MORNING PRAYER"

Thank you very much, Great God, and you have awakened us with a strong body. Thank you for this first day of September. Bless us all and keep us safe. Guide us today in everything we do. Also remember that we can't say bad things about our neighbor. Help us not to sin and walk with holiness before you every day. Keep our whole family away from harm and illness. Please bring us a rich dinner table that our family can share. Please take care of us in our search for life and above all accompany us in all our decisions and plans so that we do not make mistakes in our decisions. Great God we worship you and thank you, You are our God who is Mighty and Great above all. All praise and glory belong to you.. This is our prayer and we plead in the Great Name of your only Son Jesus Christ our Lord.. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top