What's new

Daily Bread (October 8 2021)

Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,239
Reaction
3,961
"MAGING MASUNURIN SA DIOS"
(ISAIAS 48:18)
KUng sinusunod mo lang ang aking mga utos
pagpapala sana'y dadaloy sa iyo, parang ilog na hindi natutuyo ang agos. Tagumpay mo sana ay sunod sunod parang along gumugulong sa dalampasigan.
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga mga kapatid,.. Napakagandang paalala sa atin ang talatang ito.. na ang susi ng pagpapala ay ang pagsunod.. Kung masunurin tayo sa Dios dadaloy ng masagana ang mga pagpapala, sabi ng talata ay dadaloy sa atin na parang ilog na hindi natutuyo ang agos. Mula pa ng ako ay ipinanganak maging ang aking mga lolo at lola na taal na taga bacao, hindi pa nangyari na natuyuan ng agos ng tubig ang ilog ng Bacao. Nakapagtataka kahit tag-araw at katindihan ng init patuloy at patuloy na dumadaloy ang tubig dito..Alam nyo po ba kung bakit? May mga balong po kasi ang ilog na ito bumabalong ang tubig at hindi natutuyuan.. Ganyan karaming pagpapala ang mararanasan natin kung tayo ay magiging masunurin sa Dios, babalong ang pagpapala at hindi ka matutuyuan dahil ang pinagmumlan ng pagpapala ay ang Dios. Isa pang halimbawa ng pagtutulad ng talata ay ang alon ng dagat..May inaawit nga tayo na iyan ang message.. "Gaya ng dagat na hindi napapagal sa pag-alon.. Wala pa tayong nasaksihan na dalampasigang hindi dinadatnan ng alon.. Ganito daw ang mangyayari sa mga taong masunurin sa Dios.
Ang tagumpay ay sunod sunod parang along gumugulong sa dalampasigan. Hindi pa natatapos ang isa may kasunod na naman.. Ganyan sana ang matatamo nating biyaya at pagpapala sa Dios kung tayo po ay masunurin sa Kanyang mga utos. Ito pala talaga ang sikreto, ang pagiging masunurin sa Dios. Ang utos ng Dios ay ang Kanyang mga Salita ang Biblia sundin natin at ipamuhay ang lahat ng nakasaad dito at sigurado po at tiyak na bubuhos po sa atin ang mga pagpapala.. Ang Dios po ang nagsabi niyan..
Bumuhos nawa sa atin ang mga pagpapala ng Dios, dahil tayo ay mga masunuring mga anak Niya.
Ang pagpapala ng Dios ay dumaloy na patuloy sa ating mga buhay sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Online statistics

Members online
1,720
Guests online
1,504
Total visitors
3,224

Forum statistics

Threads
1,232,803
Posts
21,642,869
Members
1,616,094
Attachments
1,737,010
Profile posts
100,309
Top