What's new

Daily Bread ( October 7 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" KAGANDAHANG LOOB NG DIOS"
( EFESO 2:8-9)
Isang mapagpalang araw pong muli mga magulang ko at kapatid, ang biyaya ng Dios ay sumaating lahat.
Paano nga ba natin makakamit ang KALIGTASAN? Makikita po natin sa ating talata ang kasagutan.
Una ang kaligtasan natin ay KAGANDAHANG LOOB NG DIOS. Dahil ang Dios ay mabuti at dahil sa kagandahang loob Niya tayo ay iniligtas Niya sa tiyak na pagkapahamak sa impierno. Subalit makakamit lang natin ang kaligtasang ito sa pamamagitan ng PANANALIG sa ating Panginoong Hesu Kristo. Ibig pong sabihin dapat po nating sampalatayanan ang kanyang ginawa sa krus ng kalbaryo na ito ay kumpleto na at sapat na upang tayo ay magkamit ng kaligtasan at buhay na walang hanggan. At ang kaligtasang ito ay KALOOB ng Dios, ito ay regalo Niya sa atin hindi natin kailangang paghirapan dahil ito ay biyaya, ang kailangan lamang ay tanggapin ng sinumang nagnanais na maligtas. Mga kapatid ang kaligtasang ito ay hindi galing sa atin, HINDI DAHIL SA ATING MABUBUTING GAWA, ito po ay galing sa Dios.. kaya wala po tayong maipagmamalaki na kaya tayo naligtas ay dahil magaling tayo at maraming nagawang mabuti. Ang ating Kaligtasan ay ibinigay ng Dios at nararapat na ito ay tanggapin natin ng buong pananampalataya.
"Panalangin ng pagtanggap" Sambitin mo ng buong puso ang panalanging ito...
PANGINOON, Inaamin kong ako'y makasalanan at kailangan ko po ang inyong pagpapatawad.
Naniniwala ako na si CRISTO'Y namatay para sa akin, bilang kabayaran sa aking kasalanan. Nakahanda po akong tumalikod sa aking mga kasalanan. Inaanyayahan po kita PANGINOONG JESUS, na pumasok sa aking puso at buhay, bilang sariling tagapagligtas.
Nakahanda po ako, sa tulong po Ninyo, na sumunod kay CRISTO bilang PANGINOON ng aking Buhay. Sa pangalan ng PANGINOONG JESUCRISTO "AMEN"
Tanggapin po ninyo ang Kaligtasang kaloob ng Dios sa pamamagitan ni Kristo at pagpalain nawa tayo ng Dios ngayon at magpakailanman sa Pangalan ni Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top