What's new

Daily Bread (October 6 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"TAPAT ANG NANGAKO SA ATIN"
. (Hebreo 10:23).
Magpakatatag tayo sa pag-asa natin at huwag tayong mag-alinlangan, dahil tapat ang Dios na nangako sa atin.
MApagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ako po ay may ginawang awit na ganito ang lyrics..
Si Kristo ay mayrong pangako
Pangakong Siya'y di magbabago
Siya pa rin noon ngayon kahapon at maging magpakaylanpaman.
Lahat ng bagay ay lilipas ngunit salita Niya'y
Di magwawakas, mga damo'y malalanta ngunit Salita Niya ay hindi mawawala.... Hinango po sa (Hebreo 13:8)
Si Jesu-Cristo ay siya ring kahapon, ngayon, at magpakailanman.... At( Isaias 40:8)
Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta; nguni't ang salita ng ating Dios ay mamamalagi magpakailan man.... Kaya magpakatatag po tayo sa ating pag asa at huwag po tayong magalinlangan. Sino po ba ang ating pag asa? Ang pag asa po nating mga anak ng Dios ay ang ating Panginoong Hesu Kristo. Si Hesus ang ating tanging Pagasa. Siya ang tapat na nangako sa atin. Hindi Siya katulad nang tao na pabagobago ng isip. Ang tao ay nangangako at hindi tinutupad... At nabibigo tayo sa pangako ng tao.. Ngunit ang Dios ay tapat sa Kanyang mga pangako ito ay Kanyang tutuparin at kailanman ay hindi magbabago. Mga magulang ko at kapatid panghawakan po natin ang lahat ng mga pangako ng Dios sa Banal na Kasulatan dahil ito po ay para sa ating lahat... Tapat ang nangako sa atin, at Siya ang ating Panginoong Hesus. Panaligan po natin ang Kanyang mga Salita.
Pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top