What's new

Daily Bread (October 4 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"Lahat ng bagay ay ating magagawa sa tulong ng Dios na nagpapalakas sa atin.."

FILIPOS 2:14 "Kaya kong harapin ang anomang kalagayan sa pamamagitan ng tulong ni Cristo na nagpapatatag sa akin."
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Nakapagpapalakas ng loob ang talatang ito para sa ating mga mananampalataya... Ang sabi, kaya nating harapin ang anomang kalagayan,. Ano ano po bang kalagayan ang hinaharap natin ngayon mga kapatid? ... May ibat ibang pagsubok at kalagayan ngunit iisa ang Dios na nangako na tutulong sa atin at magpapatatag. Kung ikaw ay nasa matinding yugto ng buhay ngayon isipin mong katulong mo at kasama ang Panginoong Hesus. Hindi ka nagiisa kasama mo ang Dios, at tapat ang nangako sa atin, hindi Niya tayo iiwan ni pababayaan man.. Mahihirapan lang tayong harapin ang mga hamon ng buhay kung haharapin natin itong magisa, sabi ng ating talata, kung katulong natin ang Panginoon mahaharap natin ang anomang kalagayan o hamon ng buhay.. Mapalad tayo at may Dios tayong malalapitan sa panahong katulad nito.. Kawawa ang mga taong wala pang Kristo sa puso, sino ang Panginoong tutulong sa kanila?
Mga kapatid ariin nating isang kayaman ang pagiging anak ng Dios, kayamanang walang maipapalit at maitutumbas na halaga at ang kayamanang ito ay walang iba kundi ang ating Panginoong Hesus.
Pagpalain tayong lahat ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top