What's new

Daily Bread (October 30 2021)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
"MAGPAPASKO NA NAMAN"
(Panaghoy 3:34-36)

34 Hindi nalilingid kay Yahweh kung naghihirap ang ating kalooban,
35 maging ang ating karapatan, kung tayo'y pagkaitan.
36 Kung ang katarungan ay hayagang tinutuya, siguradong si Yahweh ay hindi magpapabaya.
Mga kapatid, ber months na naman tayo, magpapasko na naman, at mukhang katulad noong isang taon hindi parin natin maisecelebrate ang Pasko ng tulad ng dati...... Ipanalangin natin na maging normal na ang lahat pagdating ng Disyembre... But true essence of Christmas is not the season, but the reason... Ang tunay na katuturan ng Pasko ay ang ating Panginoong Hesus... Bagamat maraming hindi magagawa tulad ng dating mga Pasko ay huwag po tayong malungkot hindi po magbabago kaylanman ang diwa at kahulugan ng pasko.. Ito ang panahong isinilang ang ating Panginoong Hesu Kristo dito sa mundo....Ang nakakalungkot ay maraming nawalan ng trabaho dahil sa covid na ating pinagdaraanan... Subalit magpasalamat tayo sa Dios buhay pa rin tayo at malalakas, may kinakain pa rin at iniingatan tayo ng Dios... Ito ang mahalaga, na magkakasama pa rin at buo ang ating pamilya... Pangalawa na lang ang mga luho at kasayahan ngayong Pasko.. Ang dapat nating maging prioridad ay ang ating pananampalataya sa Dios, palalimin natin ito.. At magukol tayo ng higit na mas malalim na relasyon sa ating pamilya at sa ating kapwa.. Huwag maging negatibo at magpadaig sa mga suliraning ating nararanasan.. Matatapos din ang krisis, mawawala din ang covid.. subalit ang ating Dios ay mananatili magpakaylanman, ang ating pamilya at kapwa ay kasama pa rin natin.. Sila mas higit na mahalaga na dapat nating bigyan ng prioridad.. Kumusta na po ang ating ugnayan sa Dios at sa ating kapwa, at sa ating pamilya? Mga kapatid hindi mawawala ang mga pagsubok at problema, kaakibat na po yan ng buhay natin dito sa daigdig, sanhi ng pagkakasala ng tao.. Subalit hindi nalilingid sa paningin ng Dios ang kanyang mga anak na tapat na nagtitiwala sa Kanya. Panghawakan po natin ang ating talata ngayon..
Kahit salungat ang mundo sa ating pananampalataya, at naghihirap ang ating kalooban dahil sa napakasamang lakad ng lipunan, may Dios tayo na hindi po tayo pababayaan, tapat Siya sa Kanyang mga pangako, panghawakan po natin ito mga kapatid.. ... Pagpalain po tayong lahat ni Yahweh, purihin ang Kanyang kataastaasang Pangalan, Sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top