What's new

Daily Bread (October 3 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
FB_IMG_1664849446340.jpg


ROMA 3:23 Sabi ng ating talata, walang sinumang tao ang hindi nagkasala, sapagkat sa sipupunan pa lamang ng ating ina tayo po ay may kasalanan ng taglay na minana natin kay Adan. Sabi ng (Awit 51:5) "5Ako'y masama na buhat nang isilang, makasalanan na nang ako'y iluwal. Sapagkat ang kasalanan ay pumasok sa pamamagitan ng isang tao, (Roma 5:12)" 12 Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala."... Ipinaliwanag ng buong linaw ni Pablo sa Roma 5:18-19 ang katotohanang ito: "Kaya't kung paanong nagbunga ng kaparusahan sa lahat ang kasalanan ng isang tao, ang pagkamatuwid naman ng isang tao ay nagdulot ng kapatawaran at buhay sa lahat. Sapagkat sa pagsuway ng isang tao ay marami ang naging makasalanan, gayon din naman, marami ang pawawalang-sala sa pagsunod ng isang tao."
Dahil sa pagpapawalang sala, ang kapayapaan ng Diyos ay ating nararanasan sa ating mga puso at buhay. Ito ang dahilan kung bakit ang mga mananampalataya ay may katiyakan na ng kaligtasan. Ang pagpapawalang sala din naman ang nagbibigay sa atin ng kakayahan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na umpisahan ang proseso ng pagpapaging banal - ang proseso kung saan ginagawang makatotohanan ng Diyos ang kabanalan na mayroon na tayo ng tayo ay manampalataya kay Hesu Kristo. Napawalang sala po tayo, ng tayo po ay nanampalataya kay Cristo.. (Roma 5:1) "Yamang napawalang-sala na tayo dahil sa pananalig sa ating Panginoong Jesu-Cristo, at sa pamamagitan Niya'y mayroon na tayong kapanatagan sa harapan ng Diyos". Dahil kay Adan pumasok ang kasalanan at kamatayan sa mundo at sa lahat ng tao.. Subalit dahil naman kay Kristo pinawi ang kamatayan at kasalanan, kaya tayo nakatitiyak ng kaligtasan at buhay na walang hanggan... PURIHIN ANG PANGINOONG HESUS.

Pastor Ombie Lontoc
 

Attachments

Back
Top