What's new

Daily Bread (October 27 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"HUWAG MANALIG SA SARILING KARUNUNGAN"
( Kawikaan 3:5-6)
Magtiwala ka ng buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat iyong ginagawa at ituturo Niya sa iyo ang tamang landas.
Mapagpalang araw po sa ating lahat, muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Tayong tao ay madalas na nagtitiwala sa ating sariling galing at karunungan.. Natatauhan lang tayo kapag nakita nating palpak ang mga kinahahantungan ng ating mga gawa. Sa simula ay maaaring magtagumpay, subalit kapag nakikilala na at tumatanyag, doon na nagkakaroon ng problema. Ang dahilan dahil sa akala niya ay siya ang may gawa kaya siya nagtatagumpay, nagsisimula ng yumabang at lumaki ang ulo. Nalilimutang ang karunungan at kahusayan, at maging ang kalakasan ay may hangganan.
Kaya ang dapat nating gawin bilang mga anak ng Dios ay sundin ang sinasabi ng ating talata, "Magtiwala tayo sa Dios ng buong puso at huwag tayong manangan sa ating sariling karunungan, tiyak ang tagumpay kung ipagkakatiwala natin sa Dios ang lahat ng bagay o plano natin sa buhay,. Alalahanin natin ang Panginoon sa lahat ng ating ginagawa, huwag nating kalilimutang Siya ang may akda at pinagmumulan ng lahat ng bagay. Sa Kanya nakasalalay ang ating tagumpay ay hindi sa ating sariling karunungan. Kapag ipinagkatiwala natin sa Dios ang ating mga plano at ginagawa, tutulungan tayo ng Dios at ituturo Niya sa atin ang tamang landas na ating tatahakin.
Ang biyaya at pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top