What's new

Daily Bread (October 24 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"TAYONG LAHAT AY BABAGUHIN"
(1TESALONICA 4:13-18)
13 Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang katotohanan tungkol sa mga namatay na upang hindi kayo magdalamhati tulad ng mga taong walang pag-asa. 14 Dahil naniniwala tayong si Jesus ay namatay at muling nabuhay, naniniwala din tayong bubuhayin ng Diyos upang isama kay Jesus ang lahat ng mga namatay na sumasampalataya sa kanya.
MAPAGPALANG Araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Lahat ng namatay na nanampalataya kay Cristo ay bubuhaying muli at bibigyan ng bagong maluwalhating kataeang panlangit, ang mga aabuting buhay naman sa Kanyang pagbabalik ay dadagitin at papalitan din ang katawan ng panlangit na katawan, ituloy po natin ang ating talata sa 15, " Ito ang itinuturo ng Panginoon na sinasabi namin sa inyo: tayong mga nabubuhay pa at natitira pa hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi mauuna sa mga namatay na. 16 Sa araw na iyon ay maririnig ang tinig ng arkanghel at ang tunog ng trumpeta ng Diyos, at ang Panginoon mismo ay bababâ mula sa langit na sumisigaw. At ang mga namatay na sumasampalataya kay Cristo ay bubuhayin muna. 17 Pagkatapos, tayo namang mga buháy pa at natitira ay titipunin sa alapaap kasama ng mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. Sa gayon, makakapiling natin siya magpakailanman. 18 Kaya nga, palakasin ninyo ang loob ng bawat isa sa pamamagitan ng mga salitang ito.
Ang pagkabuhay na muli ang maluwalhating tagumpay para sa bawat mananampalataya. Si Hesu Kristo ay namatay, inilibing, at bumangon sa libingan sa ikatlong araw ayon sa mga Kasulatan. At siya'y muling darating! Ang mga namatay kay Kristo ang unang bubuhayin, samantalang ang madadatnang buhay sa kanyang muling pagdating ay babaguhin at tatanggap ng maluwalhating katawan (1 Tessalonica 4:13-18). Bakit mahalaga ang pagkabuhay na muli ni Hesu Kristo sa ating kaligtasan? Ipinakikita nito ang ginawang pagtanggap ng Diyos Ama sa paghahandog ni Hesus para sa ating kaligtasan. Pinatutunayan din nito na ang Diyos ay may kapangyarihan na buhayin tayo mula sa mga patay. Binibigyang katiyakan nito ang lahat ng mga sumasampalataya kay Kristo na hindi sila mananatiling patay, manapa, sila ay muling bubuhayin at gugugulin ang buhay na walang hanggan kapiling ang Diyos at ang lahat na mga sumasampalataya. Ito ang ating dakilang pag-asa!
Ang pagpapala at pagliligtas ng Panginoong Hesu Kristo ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman, Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top