What's new

Daily Bread (October 23 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"KASALANAN BA ANG PAGSUSUGAL?"
(KAWIKAAN 13:11)
Ang kayamanang tinamo sa daya ay madaling nawawala, ngunit ang kayamanang pinaghirapan ay pinagpapala.
MApagpalang araw po sa ating lahat, muli. po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Maraming tao ang nalululong sa sugal, at nagkakandalubog lubog sa utang at nauuwi sa magulong relasyon ang pamilya. Dahil bihira ang tumatagal sa isang asawang sugarol.
Usong uso ngayon ang online ****** at napakarami ang nalululong dito, nabentang lahat ang naipundar at nawalan ng trabaho dahil sa pagsusugal. Ang tanong ang pagsusugal ba ay kasalanan? Kasalanan po ito dahil maraming mahahalagang bahagi ng buhay mo ang naaapektuhan dahil sa sugal. Ito ay isang uri ng addiction ayon sa pagsusuri.
An [addiction] happens when a person is so invested in one thing which has become uncontrollable and is beginning to damage your relationships with your family and others. It can also affect your job since you're just focused on that one thing—in this case, ********,"
Kapag inuubos ang panahon mo sa pamilya, inuubos ang pera mo at nakakaapekto sa iyong trabaho, at hindi mo na ito makontrol ito ay magwawasak ng iyong buhay.
PWEDE BANG ITULONG SA SIMBAHAN ANG SALAPING GALING SA SUGAL?
Maraming tao ang nagsasabing tumataya sila sa sugal o sumusugal lamang sila upang maibigay nila ang pera sa simbahan, o gugulin ang pera sa isang bagay na may magandang hangarin. Maaaring ito ay magandang motibo, pero ang katotohanan, kakaunti lamang ang gumagamit ng perang napanalunan sa sugal para sa makadiyos na layunin.
Ipinakikita ng pagaaral na karamihan sa mga nanalo sa larong sugal ay nasa mas mahirap pa na sitwasyon ilang taon matapos nilang mapanalunan ang malaking halaga mula sa sugal. Kakaunti, kung mayroon man, ang tapat na ibinigay ang pera para sa magandang hangarin. Hindi kailangan ng Diyos ang ating pera para tustusan ang Kanyang misyon sa mundo. Sinasabi sa Kawikaan 13:11, “Ang yamang tinamo sa daya ay madaling nawawala, ngunit ang yamang pinaghirapan ay pinagpala.” Ang Diyos ay makapangyarihan at Siya ang magbibigay at tutugon sa mga pangangailangan ng simbahan sa pamamagitan ng tapat na paraan. Malulugod ba ang Diyos sa perang ibinigay na mula sa droga? O perang ninakaw mula sa bangko? Hindi! Hindi rin nangangailangan o nagnanais ang Diyos sa perang ‘ninakaw’ mula sa mga mahihirap sa pamamagitan ng sugal. Sinasabi sa atin sa (1 Timoteo 6:10,) “Ang pagmamahal sa salapi ay ang ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na magkamal ng salapi, may mga nalayo sa pananampalataya at nasadlak sa paghihirap ng kalooban.” Idinedeklara rin sa Hebreo 13:5, “huwag kayong magmukhang salapi; masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.” Sinasabi rin sa Mateo 6:24, “Walang makapag-lilingkod ng sabay sa dalawang panginoon sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran ng tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa, Hindi kayo makapaglilingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan.”
Ang pagiinteres sa pera ng iyong kapwa ay kasalanan, wala namang nagsusugal na hindi nais mapasa kanya ang salapi ng kanyang kalaban.. O walang nagsusugal na ipatatalong kusa sa kalaban ang kanyang pera.. . Mga magulang ko at kapatid ang pagibig sa salapi ay ugat ng kasalanan. Huwag tayong tumulad sa mga taong nagnanais yumaman sa pamamagitan ng pagsusugal.
Pagpalain po tayong lahat ng Dios ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top