What's new

Daily Bread (October 22 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"MALIGAYANG BUWAN NG MGA PASTOR"
( Hebreo 13:7)
"Alalahanin ninyo ang nangagkaroon ng pagpupuno sa inyo na siyang nangagsalita sa inyo ng salita ng Dios; at sa pagdidilidili ng wakas ng kanilang pamumuhay, ay inyong tularan ang kanilang pananampalataya."
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ang tinutukoy po ng ating talata ayon sa aklat ng Hebreo ay ang mga tagapanguna o tagapagturo sa iglesia, partikular ang mga pastor at mga manggagawa. Kasama na din ang mga matatanda sa iglesia.
Ang kagalakan ng mga pastor at mga tagapagturo ay makitang lumalago at ipinamumuhay ng mga tupa ang mga aral na ipinagkatiwala sa kanila ng Dios na ipakain sa mga tupa na kanilang pinangungunahan.
Lubhang nasasaktan ang mga pastor kung nakikita nilang hindi pinapansin ng mga tao ang mga turo ng Diyos na kanilang ipinapangaral. Sa tuwing tinatanggihan ng mga tao ang Salita ng Diyos, hindi lamang sila nasasaktan, hindi rin ito nakabubuti sa mga taong nakapaligid sa kanila. Likas sa mga kabataan na hindi pansinin ang mga payo ng matatanda at sa halip ay nagtitiwala sila sa kanilang sariling karunungan at nasa ng kanilang puso. Ang isang pastor na tapat sa Diyos ay nagbabahagi ng Salita ng Diyos dahil nais niyang maglingkod sa Diyos at pakainin ang kawan ng espiritwal na pagkain na magreresulta sa pagkakaroon ng tao ng buhay na ganap at kasiyasiya na ipinangako ng Panginoong Hesus (Juan 10:10)
Sa (2Tesalonica 3:1) Ganito ang kahilingan ni Apostol Pablo. " Sa katapus-tapusan, mga kapatid, ipanalangin ninyo kami upang ang Salita ng Panginoon ay lumaganap at luwalhatiin na tulad nang pagluwalhati ninyo... Ipanalangin natin ang mga tagapagpalaganap ng Salita ng Dios lalo na ang mga pastor at ang mga misyonero. Sa (2Timoteo 4:2) Ganito ang tagubilin ni Pablo kay Timoteo na hinirang ng Dios na maging pastor... "2 ipangaral mo ang salita ng Diyos; pagsikapan mong gawin iyan napapanahon man o hindi. Himukin mo at pagsabihan ang mga tao, at palakasin ang kanilang loob sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo. 3 Sapagkat darating ang panahong hindi na sila makikinig sa wastong katuruan; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Maghahanap sila ng mga tagapagturo na walang ituturo kundi ang ibig lamang nilang marinig. 4 Hindi na sila makikinig sa katotohanan, sa halip ay ibabaling ang kanilang pansin sa mga kathang-isip. 5 Ngunit ikaw, maging mahinahon ka sa lahat ng oras, magtiis ka sa panahon ng kahirapan. Gampanan mo ang tungkulin ng isang mangangaral ng Magandang Balita at tuparin mo nang lubos ang iyong paglilingkod.. Mga kapatid hindi po madali ang tungkulin ng isang pastor.. Kaya naman ipanalangin natin silang lagi, at suportahan sa ibat ibang kaparaanang emosyonal, espiritwal, at maging sa kanilang materyal na pangangalilangan... Mahalin natin ang mga lingkod ng Dios dahil sila ang may pananagutan sa ating paglagong espiritwal pagharap nila sa Dios.
Pagpalain po tayong lahat ng Dios ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top