What's new

Daily Bread (October 20 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"ARUGAIN ANG MGA MATATANDA ,ULILA AT MGA BALO" "(Exodo 22:22)"
Huwag din ninyong aapihin ang mga balo at ang mga ulila. Kapag inapi ninyo sila at dumaing sa akin, tiyak na papakinggan ko sila
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Maraming sinasabi ang Bibliya patungkol sa pagaalaga sa mga matatandang magulang at ibang miyembro ng pamilya na walang kakayahang alagaan ang sarili. Ang unang Iglesyang Kristiyano ay nagsilbing tulad sa isang ahensya na nagbibigay serbisyo sa mga pangangailangan ng ibang mga mananampalataya. Kinalinga nila ang mahihirap, ang mga maysakit, ang mga babaeng balo at mga ulila na wala ng magaaruga. Inaasahan sa mga mga Kristiyano na may mga kapamilya ang pagbibigay ng pangangailangan sa kanilang sariling kapamilya. Sa kasamaang palad, sa kasalukuyan, ang pagaalaga sa mga magulang na matanda na ay isang obligasyon na hindi itinuturiing ng ilang mga anak o mas nakakabatang kasama sa tahanan na pagaaruga sa magulang.
Bilang mga Kristiyano malaki ang ating pananagutan sa Dios kapag ang ating. mga matatanda at mga ulilang balo ay hindi inaruga ng kanyang mga kapamilya. (1 Timoteo 5:8)
Ang sinumang hindi kumakalinga sa sariling kamag-anak, lalo na sa sariling pamilya ay tumatalikod sa pananampalataya at masahol pa sa mga hindi mananampalataya.
Kung walang pamilyang magaaruga ang iglesiang kinaaniban ng isang matandang balo ang magaaruga sa kanila. Ayon sa tagpo noong ang Panginoong Hesus ay aalis na dito sa mundo. (Juan 19:25-26) 25 Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid nitong babae, si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena. 26 Nang makita ni Jesus ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa tabi nito, sinabi niya, “Ginang, narito ang iyong anak!” 27 At sinabi niya sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay ang ina ni Jesus. Noon kasi ay wala pang mga simbahan kaya inuwi ng alagad na si Juan ni Hesus sa kanyang sariling tahanan at kanilang inaruga ito. Ngayon ang iglesia ang itinuturing na pamilya ng mga ulila at matatandang balo.
Mga magulang ko at kapatid arugain natin ang mga matatanda at mga ulilang balo. May gintampala ang sinumang nagaaruga sa kanilang mga magulang. ( Efeso 6:2-3) 2 “Igalang mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangako: 3 “Magiging maganda at mahaba ang iyong buhay sa lupa.”Kasama sa paggalang ang pagaaruga sa ating mga matatanda balo at magulang.
Sumaating lahat ang pagpapala ng Dios ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top