What's new

Daily Bread (October 2 2022)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,454
Reaction
590
Points
1,085
FB_IMG_1664712263850.jpg


Pinatutunayan ng may akda ng Awit 51 na tayong mga tao ay may taglay ng kasalanan mula pa lamang ng tayo ay isilang, ang sabi po ng talatang lima.. Akoy masama na buhat ng isilang, makasalanan na buhat ng iluwal. Sapagkat ang kasalanang ginawa ng ating mga ninunong Eba at Adan ay minana ng lahat ng tao, mula pa ng sila ay nagkasala at sumuway sa utos ng Dios sa halamanan ng Eden. (Roma 5:12) "sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao dahil ang lahat ay nagkasala.".. Ang sanggol dahil wala pa siya sa hustong gulang o pagiisip hindi pa niya alam o magagawa ang magkasala, subalit mula pa sa ating pagsilang, may taglay na ang bawat tao ng kasalanang minana natin kay Adan. Kaya pag nagkaisip ang isang bata o sumapit siya sa kanyang age of accountability, nakakagawa na siya ng kasalanan.. Likas ito sa ating mga tao, walang taong nabuhay sa daigdig na ito na hindi nagkasala, ang sabi ng (Roma 3:23) "Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos." Marahil iniisip ninyo, eh pastor saan po pupunta ang mga sanggol na namatay, eh sa pagsilang pa lamang pala may taglay na tayong kasalanan? Hanggat hindi pa sumasapit sa gulang ang isang bata na nauunawaan na niya ang mabuti at masama hindi po siya nagkakasala, likas na sisibol ang kasalanan, subalit hindi po ito magagawa ng isang sanggol. Mayroon bang sanggol na pumatay, nagsinungaling, nagnakaw, nakiapid, nagimbot, o nagiisip ng malalaswa? Wala po, ni hindi nya nga kayang alagaan ang kanyang sarili, dulot natin sa sanggol ang lahat lahat, dahil wala pa siyang kakayanang gawin ito, lalo na ang paggawa ng kasalanan, kaya nga ang sabi ng Panginoong Hesus (Mateo 19:14) Sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ay kabilang sa kaharian ng Dios.” Sabi ng Panginoong Hesus ang mga katulad nila ay kabilang sa kaharian ng Dios.. Ang tinutukoy nya po ay ang mga bata... Ang mga bata ay kabilang sa kaharian ng Dios. Wala pong bata o sanggol na namatay na pupunta ng impierno, sa langit po ang tungo ng mga bata.sabi ng iba na hindi nauunawaan ang salita ng Dios o ng Biblia, magiging tiyanak daw ang mga sanggol pag namatay, saan kaya nanggaling ang katuruang ito,? Wala pong tiyanak, wala pong itinuturo o nakatala sa Biblia tungkol sa tiyanak.. Wala pong ganitong salita sa Bible... Ang turo nga ng Panginoong Hesus tularan natin ang mga bata tunghayan po natin, (Mateo 18:3) 3 at sinabi, “Tandaan ninyo: kapag hindi kayo nagbago at naging katulad ng mga bata, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit." Kapag hindi raw tayo nagbago at naging katulad ng mga bata hinding hindi tayo makakapasok sa kaharian ng langit. Bakit po? Ano ba ang mga katangian ng bata? Ang mga bata ay malalambing una, sila ay hindi nagtatanim ng galit at sama ng loob, sila ay hindi nagsisinungaling, hindi sila madamot, hindi sila mapagimbot, hindi sila mabubuhay na wala ang tulong ng mas nakatatanda sa kanila, ibig sabihin, sila ay umaasang laging tutulungan.. Wala pa silang pride o kayabangan, o pag mamalaki, pangakuan mo sila at hihintayin nilang tuparin mo ang iyong pangako kahit kendi lang yan.. Kahit mag away sila ng kapwa niya bata, mamaya bati na sila, madali silang magpatawad, yung magulang ng batang nag away ang hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos, sila yung nag away na ng tuloy tuloy.. Kaya hanggat hindi tayo nagbabago tulad ng mga bata hindi po tayo makararating ng langit.. Ang wagas na puso, ang malinis na pagiisip gaya ng sanggol ang nais ng Dios na masumpungan sa atin..Nais mo bang makarating ng langit? Manampalataya ka sa Panginoong Hesus at tularan mo ang mga bata..... Pagpalain po tayong lahat ng Dios, sa Pangalan ng Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Attachments

Similar threads

Back
Top