What's new

Daily Bread (October 2 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"ANG PAGTULONG SA NANGANGAILANGAN"
. (MATEO 6:1-4).
1.Mag-ingat kayo na huwag gawing pakitang-tao lamang ang inyong pamamahagi sa mga kahabag-habag. Kung magkagayon ay hindi kayo tatanggap ng gantimpala sa inyong Ama sa langit... 2 Kaya nga, kapag ikaw ay namamahagi sa mga kahabag-habag, huwag mong hipan ang trumpeta na nasa harap mo, gaya ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga at sa mga daan. Ginagawa nila ito upang sila ay luwalhatiin ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. 3 Kung mamahagi ka sa mga kahabag-habag, huwag mo nang ipaalam sa iyong kaliwang kamay kung ano ang ginagawa ng iyong kanang kamay. 4 Sa gayon, maililihim ang iyong pamamahagi sa mga kahabag-habag. Ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ay magbibigay ng gantimpala sa iyo nang hayagan.
Mapagpalang araw po mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Mga minamahal kong kapatid kung tayo po ay tutulong sa ating kapwa lalo na po sa mga nangngailangan huwag na po natin itong ipangalandakan... Ayaw din ng Dios ng pakitang taong pagtulong o paimbabaw, maraming ganyang klase ng pagtulong, iba iba ang motibo... Mayroong ang motibo ay para makakuha ng pabor.. at mayron din ay para sumikat at makilala, kagaya mga YøùTùbérs, mga bloggers, tutulong ng konti pero mas malaki ang balik sa kanila dahil sa maraming viewers ang mga ganitong eksena sa social media.. Ngayong palapit na naman ang eleksiyon ang mga pulitikong hindi natin nakikita at nagtatago sa lungga ay bigla na namang mga maglilitawan, magpapapogi at magbabaitan at tutulong ng tutulong at mamimigay ng mga ayuda, hind naman lahat ay ganito subalit iyan ang isang halimbawa ng pagpapaimbabaw, pagkatapos ng halalan ni hindi ka na kilala o makamayan... .Mga kapatid hindi po ganyan ang nais ng Dios na pagtulong sa ating kapwa, ang nais ng Dios ay isang dalisay na pusong nahahabag sa mga dukha... Huwag nating ipaalam kahit kanino ang ating pagtulong, dahil ang Dios na nakakakita ng ating ginagawang pagtulong ang siyang magbibigay sa atin ng gantimpala.. Tumulong tayo na ang ating hangarin ay masamba natin ang Dios at maparangalan ang Kanyang dakilang Pangalan.
Muli ang biyaya at pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman sa Pangalan ni Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top