What's new

Daily Bread (October 18 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"PAGAANIN ANG BUHAY"
1 Cronica 4:10
"10 Ngunit nanalangin si Jabes sa Diyos ng Israel at sinabi: “Pagpalain po ninyo ako! Palawakin ninyo ang aking lupain. Samahan po ninyo ako at ingatan sa anumang kasawiang makakasakit sa akin.” At ipinagkaloob ng Diyos ang kanyang kahilingan."
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng Salita ng Dios.
Ito ang panalangin ni Jabes,sabi sa bahagi ng talata,Samahan po ninyo ako at ingatan sa anomang kasawiang makasasakit sa akin.
Hindi natin maiiwasan ang mga pasakit at kawasawian, dahil ito ay bahagi ng buhay..Hilingin natin sa Dios na ito ay Kanyang pagaangin,at ang sikreto ay humingi tayo sa Dios nang dagdag na pasensiya at pagtitiis at pagtitiyaga upang mabawasan ang kumplikasyon ng buhay.
Pakontiin,padaliin natin yung panahon na may nararamdaman tayong sakit o kirot ng buhay.
Ang tintukoy natin ay ang emosyonal na kirot.
Maikli lang ang buhay.
Walong oras matutulog
Walong oras magtatrabaho
Walong oras doon sa ibang bagay.
Kung susumahin saan pumapasok dyan ang kirot ng buhay?
Dapat mapaginhawa natin ang nararamdamng kirot at hirap ng buhay.
Una bawasan natin ang mga hidwaan.
Kalaban,kainitan ng ulo o kakumpitensiya
Hindi magiging masaya ang iyong buhay kung mayroon kang kahidwaan o hindi kasundo.
Harmonized or avoid conflict.
Mga kapatid ano ba ang dapat nating dagdagan at bawasan upang gumaang ang buhay? Iwasan natin ang makipagpingkian at makipagkiskisan ng ugali at pride sa ating kapwa at sa ating malalapit sa buhay.
Maikli lang ang buhay huwag nating gugulin ito sa mga hidwaan.
Pagpalain po tayong lahat ng Dios ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng Panginoong Hesus Amen

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top