What's new

Daily Bread (October 17 2021)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,454
Reaction
590
Points
1,085
(LUCAS 6:33)
" 33 Kung ang mga gumagawa lamang ng mabuti sa inyo ang gagawan ninyo ng mabuti, anong pagpapala ang nararapat sa inyo? Kahit ang masasamang tao ay gumagawa rin niyan!"
MAPAGpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Sabi po ng ating talata kung ang gagawan lang natin ng mabuti ay ang mga gumagawa lamang. ng mabuti sa atin, wala po itong kabuluhan.
Huwag lamang tayong gumawa ng mabuti sa makakagagawa din ng mabuti sa atin, wala na tayong pagpapalang makukuha buhat sa Dios dahil nagantihan na tayo ng ginawan natin ng mabuti... Ang gawan natin ng mabuti ay ang mga taong walang kakayahang magbalik nito sa atin,.. sino po sila mga kapatid? Sila ay ang mga mahihirap, ang mga pulubi, at mga kapuspalad at mga taong dumaraan ngayon sa matinding pangangailangan.. Dios ang magpapala sa iyo kapag gumawa ka ng mabuti sa taong hindi makapagbabalik nito sa iyo.. Huwag na tayong gumaya sa iba, tutulong dahil may inaasahang kapalit.. Maiba naman tayo, dapat makita ng mundo na may mga anak ng Dios na magmamahal sa mga hindi kaibig ibig at may gagawa ng mabuti sa mga taong hindi makapagbabalik nito.. Ito ang nais at turo ng Panginoong Hesus at dito makikilala ang tunay Niyang mga anak at mga taga sunod....Mga kapatid ang tulungan at gawan natin ng mabuti ay ang mga hindi kaibig ibig at hindi makagaganti sa ginawa nating kabutihan sa kanila.. Dios ang magbibigay sa atin ng gantimpala kapag ito po ang ating ginawa..
Ang pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ni Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top