What's new

Daily Bread (October 15 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"BAKIT PINAIKLI ANG BUHAY NG TAO?"
(Mga AWIT 90 :10)
Buhay nami'y umaabot ng pitumpung taóng singkad, minsan nama'y walumpu, kung kami'y malakas;ngunit buong buhay namin ay puno ng dusa't hirap, pumapanaw pagkatapos, dito sa sangmaliwanag.
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid,muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios... Alam nyo po ba na noong unang panahon ang edad ng unang mga tao ay umaabot ng mahigit sa 900 taon? . Ang pinaka matandang tao na nabuhay sa mundo ayon sa Biblia ay si Metusalem, ( Genesis 5:25-27) " Si Matusalem ay 187 taon nang maging anak niya si Lamec. 26 Nabuhay pa si Matusalem nang 782 taon at nagkaroon din ng iba pang mga anak. 27 Namatay siya sa gulang na 969 na taon".. Isipin natin kung gaano pa kalakas ang tao noon, sa edad na 500 taon pataas ay nakakaanak pa ang lalaki.. Ang tanong ay bakit pinaikli ng Dios ang buhay ng tao? Ang naging hangganan na lamang ay 70 taon at kung malakas pa ay umaabot pa ng 80 taon pataas?
At ang ilan ay umaabot pa ng mahigit 100 taon... Sabi ng (Genesis 6: 3) Sinabi ni Yahweh, “Hindi ko ipapahintulot na mabuhay nang habang panahon ang tao, sapagkat siya'y makalaman. Hindi na lalampas sa 120 taon ang kanyang buhay sa daigdig." Ang dahilan kung bakit pinaikli ng Dios ang buhay ng tao ay sa dahilang ang tao ay makalaman,. Isipin na lamang natin ngayon ang ikli na lang ng buhay ng tao ginugugol pa sa mga gawaing makalaman e di lalo na kung sa panahon ngayon ay umaabot pa rin tayo ng 900 taon, mas lalong magiging makasalanan ang tao dahil iisipin nya na parang wala na siyang kamatayan. Imagine sa panahon na ito ng millenial at puro gadget at computer na e di lalong napakalaking oras ang magugugol ng tao sa mga laro fb at gawaing social media, lalo na sa makalaman at makamundong gawain, baka lalo ng malimutan ng tao ang Dios. Mga kapatid pahalagahan po natin ang ating buhay dahil sa ito ay maikli na lamang. Huwag natin itong sayangin sa makalamang pamumuhay sa halip gugulin natin ang ating buhay sa maka Dios at makalangit na pamumuhay.
Muli ang biyaya at pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top