What's new

Daily Bread (October 13 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"HINDI TAYO MAKIKILOS"
(MGA AWIT 16:8)
Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko: sapagkat kung Siya ay nasa aking kanan hindi ako makikilos.
Isang mapagpalang araw po sa ating lahat, muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Napakagandang talata ang ating bubulayin ngayon mga kapatid. Ayon sa may akda ng talata.,kanyang inilagay na lagi ang Panginoon sa kanyang harapan.. Ibig sabihin lahat ng kanyang plano, lahat ng kanyang gagawin ay hinahayaan niyang ang Dios ang manguna sa kanya... Hindi siya kikilos o gagawa ng anumang bagay na hindi niya hinihingi ang patnubay ng Dios. Tayo din bilang mga anak ng Dios ilagay din natin sa ating harap ang Dios,huwag nating Siyang pangunahan o magplano ng hindi nating isinasangguni sa Kanya. Pangalawa mga kapatid, Siya din ay dapat nasa ating kanan, ang katwiran Niya ang dapat naghahari sa ating buhay upang sa bawat lakad at balak natin ay naroon ang Kanyang gabay at pamamatnubay. Kung ang ang Dios ang nasa ating harap at ating kanan hindi po tayo makikilos, ang Kamyang pagiingat ay tiyak na sasa-atin.
Ang biyaya at pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylan sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top