What's new

Daily Bread (October 12 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
(AWIT 91:2)
MUOG KA'T KANLUNGAN, IKAW ANG AKING DIYOS NA TANGI KONG PINAGTITIWALAAN.
MAPAgpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ano po ba ang ibig sabihin ng muog.? Ang moog po pala ay isang napakatibay na malaking bato na ginagawang tanggulan sa panahon ng digmaan ng unang panahon. Ang isang bansa na may matitibay na muog ay hindi bastabasta magagapi ng kaaway. Ito ay gawa sa solidong semento at napakatibay po nito. Ito ang ginagawang kanlungan ng mga Israelita sa panahon ng digmaan noong unang panahon.. Subalit kahit anong tibay ng kanilang mga muog natatalo pa rin sila at nasasakop ng mga kaaway. Bakit po kaya? Sapagkat sa sandaling ang bayang Israel ay tumalikod kay Yahweh at sumamba sila sa ibang mga dios diosan hinayayaan ng Dios na sila ay magapi at masakop ng kaaway... Samakatuwid ang tunay talaga nilang moog at kanlungan ay walang iba kundi ang Dios. Sa sandaling sila ay magbalik loob sa Dios pinagtatagumpay muli sila ni Yahweh. Ano po ang ibig sabihin nito? Ibig pong sabihin ay huwag po tayong magtiwala sa ibang mga muog o sa mga ibang dios kundi sa tunay na Dios lang po tayo magtiwala. Ang ibang mga muog ay walang tibay at madaling magiba kaya madali po tayong masasakop o magagapi ng kaaway. Kaya nga ang sabi po ng talatang ito sa sulat ni Moises, Ang Dios ang kanyang muog.. kapag ang Dios ang kanilang muog kaylanman ay hindi ito magigiba dahil ang Dios ay ang ating dakilang muog. Siya lamang po ang ating lubos na pagtiwalaan, sa Kaniya lamang po tayo manganlong at magtiwala dahil kapag tayo ay nagkanlong sa Kanya tiyak na hindi po tayo maaano...
Sumaating lahat ang pagiingat ng ating Dakilang Muog, ang ating Dios na ating kanlungan ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top