What's new

Daily Bread (November 9 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" IBALIK ANG DATING PAG IBIG"
(PAHAYAG 2:4)
Subalit may isang bagay na ayaw ko sa iyo: iniwan mo na ang pag-ibig mo noong una.
Maraming mga mananampalataya ngayon ang nanlalamig ang relasyon sa Diyos dahil sa hirap at dami ng problema ? Huwag nawang manggyari ,pare-pareho lang tayo ng pinagdadaanan . Huwag nawa tayong matulad sa mga Israelita na madaling mabaling ang atensyon sa mga bagay na maituturing na dios-diosan .Ang pagkaka humaling sa mga materyal material na bagay ,nakahuhumaling na tagumpay ... ay ilan sa mga anyo ng dios diosan na maglalayo sa ating pag ibig sa Dios,.. Mga kapatid ibalik natin ang tamis at ang init ng ating pagmamahal sa Diyos , kagaya nong unang tanggapin natin Sya . Sya pa rin Ang Dios noon Ngayon at magpakaylan man , Hindi nagbabago Ang Kanyang pagmamahal sa atin at Kanyang kapangyarihan na iligtas ka . Nais ng Dios na mahalin natin Sya ng buong katapatan .
Pagpapala ay sumaating lahat sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus, Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top