What's new

Daily Bread (November 4 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" MAY MAS HIGIT NA MAHALAGA"
(Lucas 17:33)
Sinomang nagsisikap ingatan ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: datapuwa't ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay ay maiingatan yaon.
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid, muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ano po ba ang ibig sabihin ng talata? Mga kapatid ang ibig pong sabihin ng talata ay ito,.. maraming tao ang mas pinahahalagahan ang buhay sa daigdig na ito, na para bang dito na sila maninirahan habang panahon sa lupa. Ang kanilang ginagawang paghahanda sa buhay ay para lamang sa mga materyal na bagay, nalilimutan ng marami na ang buhay natin sa mundo ay may hangganan. Mas maraming tao ang pinaghahandaan ang buhay sa lupa kaysa sa buhay na panlangit. Kaya sinabi ng Panginoong Hesus sa talata na, ang sinumang nagsisikap ingatan ang kanyang buhay ay mawawalan nito... Kung puro dito lang ang gagawing paghahanda tiyak na mawawalan ka ng lugar doon sa buhay na walang hanggan. Pag-ukulan natin ng mas higit na panahon at pagpapahalaga ang buhay doon sa langit, dahil ang buhay sa langit ay walang hanggan at walang kamatayan. Sabi ng (Colosas 3:2-4) "Ituon ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasaitaas at hindi sa mga bagay na nasa lupa. 3 Ito ay sapagkat namatay na kayo at ang buhay ninyo ay natatagong kasama ni Cristo sa Diyos. 4 Kapag si Cristo na ating buhay ay mahahayag, kasama rin naman niya kayong mahahayag sa kaluwalhatian."
Ang buhay sa daigdig na ito ay pansamantala kaya pag pinahalagahan mo ito sa makamundong bagay tiyak na mawawalan ka ng pangwalang hanggang buhay.. Mga magulang ko at kapatid, bigyang halaga natin ang ating panglangit na buhay, upang hindi po tayo mawalan nito.
Ang pagiingat at pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top