What's new

Daily Bread (November 3 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"TAYO AY MGA MANANAGUMPAY"
(1 Mga Taga-Corinto 15:57-58)
Magpasalamat tayo sa Diyos, sapagkat tayo'y binibigyan niya ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo at huwag matinag. Maging masipag kayo sa paglilingkod sa Panginoon, dahil alam ninyong hindi masasayang ang inyong paghihirap para sa kanya.
Isang mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Sa pagdaan natin sa landas ng pagiging Kristiyano, sa lahat ng mga pagsunod at kahirapan natin sa buhay, mayroon tayong tagumpay. “Magpasalamat tayo sa Diyos na nagbibigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo” (1 Corinto 15:57). Bagama’t nasa gitna tayo ng espiritwal na labanan, walang kapangyarihan si Satanas laban sa mga mananampalataya. Ibinigay sa atin ng Diyos ang kanyang salita upang gabayan tayo, at ang Kanyang Banal na Espiritu upang bigyan tayo ng lakas at ng pribilehiyo na lumapit sa Diyos sa panalangin sa lahat ng oras para sa anumang bagay. Tiniyak din Niya sa atin na hindi Niya tayo bibigyan ng pagsubok na higit sa ating makakayanan. (1 Corinto 10:13) “Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na di dinanas ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipahihintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon”. Mga magulang ko at kapatid tayo po ay mga mananagumpay dahil ang ang ating Panginoong Hesus ay nagtagumpay na doon sa Krus ng kalbaryo, ginapi na Niya si satanas na nagpapahirap sa mga mananampalataya.. kaya magpakatatag po tayo at huwag matinag dahil ang Panginoong Hesus ay may pangakong hindi Niya tayo iiwan ni pababayaan man.
Pagpalain po tayong lahat ng Dios ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top