What's new

Daily Bread (November 27 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"ANG MGA TUNAY NA ANAK NG DIOS"
(Mga Taga-Colosas 1:16)
Sapagkat sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga espirituwal na kapangyarihan, paghahari, pamamahala, at pamumuno. Ang lahat ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya.
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Bagamat ang lahat ayon sa talata ay nilikiha ng Dios hindi ito nangangahulugan na lahat ng tao ay anak Niya.
Malinaw na sinasabi sa Bibliya na ang lahat ng tao ay nilalang ng Diyos (Colosas 1:16), at iniibig ng Diyos ang buong sanlibutan (Juan 3:16), ngunit yaon lamang mga isinilang na muli ang mga anak ng Diyos (Juan 1:12; 11:52; Roma 8:16; 1 Juan 3:1-10).
Sa Kasulatan, ang mga hindi mananampalataya ay hindi kailanman ipinakilala bilang mga anak ng Diyos. Sinasabi sa atin sa Efeso 2:3 na bago tayo naligtas, tayo ay "katutubong mga anak ng kapootan" (Efeso 2:1-3). Sinasabi sa Roma 9:8, "hindi mga anak sa laman ang mga anak ng Diyos, kundi ang mga anak ng pangako ay siyang itinuturing bilang binhi." Sa halip na ipanganak bilang mga anak ng Diyos, tayo ay ipinanganak sa kasalanan na siyang naghiwalay sa atin mula sa Diyos at dahilan ng pagkabilang natin sa kaharian ni Satanas at pagiging mga kaaway ng Diyos (Santiago 4:4, 1 Juan 3:8). Sinabi ni Hesus, "Kung ang Diyos ang inyong ama, ay inibig ninyo sana ako, sapagkat ako'y nagmula sa Diyos at ngayon ay naririto ako. Hindi ako naparito mula sa aking sarili kundi sinugo niya ako." Ang Panginoong Hesus ay isinugo upang iligtas ang mga makasalanan, mas mainam sana at hangad natin na ang lahat ay maging anak ng Dios ngunit malinaw po ang sinasabi ng ating aralin, yaon lamang mga sumampalataya at kumilala at tumanggap sa Panginoong Hesus ang itinuturing ng Dios na Kanyang mga anak.
Mga kapatid kung tunay tayong mga anak ng Dios mamuhay po tayo bilang Kanyang anak, lumakad tayo sa Kanyang katwiran at hindi kung ano ang gusto ng ating laman.. Makikilala ang mga tunay na anak ng Dios sa kanyang mga kilos at gawa, namumuhay na isang bagong nilalang na ipinanganak sa Espiritu at katwiran ng Dios...
Sumaating lahat ang biyaya at pagiingat ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top