What's new

Daily Bread (November 24 2021)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
"ANG ATING PIRMIHANG TAHANAN"
(Mga Hebreo 9:24)
Sapagkat si Cristo ay hindi pumasok sa isang Dakong Banal na ginawa ng tao at larawan lamang ng tunay. Sa langit mismo siya pumasok at ngayo'y nasa harap na siya ng Diyos at namamagitan para sa atin.
Ang langit ay isang lugar na totoo. Sinasabi ng Bibliya na ang langit ay ang trono ng Diyos
(Isaias 66:1) "Ito ang sabi ni Yahweh: “Ang aking trono ay ang kalangitan, at ang daigdig ang aking tuntungan. Anong klaseng bahay ang gagawin mo para sa akin? Anong klaseng lugar ang aking titirhan? Walang bahay o anumang gusali ang pwedeng tirahan ng Dios, dahil ang kanyang trono ay nasa kalangitan.
Gawa 7:48-49 "48 “Gayunman, ang Kataas-taasang Diyos ay hindi naninirahan sa mga bahay na ginawa ng tao. Sabi nga ng propeta, 49 ‘Ang langit ang aking trono,’ sabi ng Panginoon, at ang lupa ang aking tuntungan.. Anong uri ng bahay ang itatayo ninyo para sa akin, o anong lugar ang pagpapahingahan ko?
(Mateo 5:34-35). "Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag na kayong manunumpa kapag kayo'y nangangako. Huwag ninyong sasabihing, ‘Saksi ko ang langit,’ sapagkat ito'y trono ng Diyos; o kaya'y, ‘Saksi ko ang lupa,’ sapagkat ito'y kanyang tuntungan. Huwag din ninyong sasabihing, ‘Saksi ko ang Jerusalem,’ sapagkat ito'y lunsod ng dakilang Hari." Malinaw po mga kapatid na ang langit ay totoo at ito ang tirahan ng Dios, kaya naman huwag tayong manunumpa o magwiwika na saksi ko ang langit, o saksi ko ang lupa dahil ito ay trono at tuntungan ng Dios.
Pagkatapos na mabuhay na muli ni Kristo at ng Kanyang pagpapakita sa kanyang mga alagad sa lupa, "Siya ay iniakyat sa langit, at lumuklok sa kanan ng Diyos" (Markos 16:19; Gawa 7:55-56). "Sapagkat pumasok si Cristo, hindi sa isang Dakong Banal na ginawa ng tao at larawan lamang ng tunay, kundi sa langit. At ngayo'y nasa harapan siya ng Diyos at namamagitan para sa atin" (Hebreo 9:24). Hindi lamang pumunta si Hesus sa langit para sa atin kundi Siya ay nabubuhay magpakailanman at may gawain doon bilang ating Dakilang Saserdote sa tabernakulo na ginawa ng Diyos
(Hebreo 6:19-20; 8:1-2) Si Kristo ay nakaluklok ngayon sa maringal na trono doon sa langit bilang ating Dakilang saserdote, Siya po ay nabubuhay magpakaylanman.. kaya tayo na nanampalataya sa Kanya ay tiyak na may lugar doon sa langit dahil si Kristo ang ating tagapamagitan doon sa Dios. Lahat na mga tapat na lingkod Niya ay makakapiling Niya doon sa Kanyang kaharian.. Kapatid panabikan mo na makarating sa ating pirmihang tahanan doon sa langit sa piling ng ating Dakilang Manunubos at Dakilang Saserdote ang ating Panginoong Hesus.
Pagpalain po tayo ng Panginoong Hesus ngayon at magpakailanman.. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top