What's new

Daily Bread (November 21 2021)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
"HINDI AKO MATATAKOT KASAMA KO ANG DIOS!"
(Awit 56:11)
"Sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala, hindi ako matatakot; Anong magagawa ng tao sa akin?"
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Binanggit ng mang-aawit ang isang kahanga-hangang pananalig sa Dios.
Sabi niya, "Sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala, hindi ako matatakot; Anong magagawa ng tao sa akin?"
Ito'y kahanga-hangang patotoo sa kapangyarihan ng pagtitiwala sa Diyos. Anuman ang mangyari, ang mangaawit ay patuloy na magtitiwala sa Diyos dahil nalalaman niya at nauunawaan ang kapangyarihan ng Diyos. Ang susi upang mapagtagumpayan ang kasalanan ay ang pagtanggi na matalo ng pagkatakot dahil sa buong- buong pagtitiwala sa Diyos. Ang pagtitiwala sa Diyos ay pagtanggi na pagharian ng takot. Ito ay pagbaling sa Diyos kahit sa gitna ng napakadilim na mga sandali sa buhay at pagtitiwala na aayusin Niya ang lahat. Ang pagtitiwalang ito ay nanggagaling sa pagkakilala sa Diyos at sa pagkaalam na Siya ay mabuti. Gaya ng sinabi ni Job noong nakaranas siya ng isa sa pinakamabigat na pagsubok sa kasaysayan ng Bibliya,
"Hindi ako natatakot kung ako man ay patayin, Maiharap lamang sa kanya itong aking usapin" (Job 13:15).
Kung matutunan nating maglagak ng buong pagtitiwala sa Diyos, hindi na tayo matatakot sa mga bagay na dumarating sa atin. Masasabi natin ng may buong pagtitiwala gaya ng mangaawit, .. "Ang nagtitiwala sa 'yo'y magagalak, masayang aawit sila oras-oras; iyong iingatan yaong mga tapat, na dahil sa iyo'y lumigayang ganap" (Awit 5:11).
Ang biyaya at pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus, Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top