Daily Bread (November 12 2021)

Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,407
Reaction
4,111
" HUWAG MAREKLAMO"
(1 Tesalonica 5:18)
"Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagka't ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo."
Mapagpalang araw mga kapatid, muli po tayong magnilay ng Salita ng Dios.
May mga pagkakataong nalilimutan nating magsabi ng tenkyu o salamat sa ating kapwa at maging sa Dios sa mga biyayang ating natatanggap... At ang masaklap pa ay imbes na magpasalamat ay nagrereklamo pa.. Bakit ito lang? Bakit mas marami yung kanya? Bakit yung kanya puno, yung akin kulang? Nature yan ng tao, ang pagiging mareklamo. Subalit tinturuan tayo ngayon ng Salita ng Dios na matutong magpasalamat sa lahat ng bagay. Sabi ng ating talata, "Sa lahat ng bagay ay magpasalamat kayo" ibig sabihin in every situation, in everything, dapat ay matuto tayong magpasalamat.. Kahit na maliit na bagay ipagpasalamat natin sa Dios, 'wag maging mareklamo, lalayuan tayo ng blessings kapag hindi tayo marunong masiyahan. Laging dadaloy ang biyaya sa taong may kagalakan sa puso sa lahat ng kanyang natatanggap na mga biyaya. At hindi magsasawang magbigay ang Dios kung lagi nating inaapreciate ang Kanyang mga pagpapala. Kahit naman tayo hindi tayo matutuwa sa taong binigyan mo na ay hindi marunong magpasalamat, tapos magrereklamo pa. Mga kapatid matuto tayong ipagpasalamat ang lahat ng bagay, huwag tayong mareklamo!
Pagpalain tayo ng Dios ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Top