What's new

Daily Bread (May 29 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
ANG DIYOS ANG PINAGMULAN NG BUHAY AT LAHAT NG NILIKHA!
Bilang Lumikha,.. sa Diyos nagmula ang buhay ng tao. Ang pagsasabing lumabas ang tao ng walang Diyos ay tulad sa pagsasabi na maaaring magkaroon ng relo ng walang gumawa ng relo o maaaring magkaroon ng kwento ng walang manunulat. Utang natin ang ating pagkatao sa Diyos na Siyang lumikha sa atin ayon sa Kanyang wangis (Genesis 1:27). Ang ating pag-iral sa mundo ay nakadepende sa Diyos, tanggapin man natin o hindi na mayroong Diyos.
Ang Diyos ang patuloy na nagbibigay ng buhay at nagpapanatili,
Siya ang buhay (Awit 104:10-32), at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa Kanya (Colosas 1:17). Maging ang mga tumatanggi sa Diyos ay tumanggap ng buhay mula sa Kanya. "Sapagkat pinasisikat Niya ang araw sa masasama at mabubuti at nagpapaulan sa mga ganap at di-ganap" (Mateo 5:45). Ang isipin na ang tao ay mabubuhay ng walang Diyos ay pagpapalagay na ang orkidyas ay mabubuhay ng walang sikat ng araw o ang rosas ay mabubuhay ng hindi dinidiligan ng tubig.
Bilang Tagapagligtas, ang Diyos ang nagbibigay ng buhay na walang hanggan sa mga mananampalataya. "Nasa Kanya ang buhay; at ang buhay ay Siyang ilaw ng mga tao" (Juan 1:4). "Dumating si Hesus upang magkaroon ng buhay at magkaroon ng kasaganaan nito" (Juan 10:10). "Na ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay pagkakalooban ng buhay na walang hanggan kasama Siya" (Juan 3:15-16). Na upang mabuhay ang tao - at totoong mabuhay - kinakailangan nyang kilalanin si Kristo (Juan 17:3).... WALANG BUHAY NA WALANG HANGGAN ANG TAO KUNG WALA SI KRISTO, ANG ATING PANGINOONG HESUS. GLORY TO GOD!


English Ver.


GOD IS THE SOURCE OF LIFE AND ALL CREATION!
As Creator, .. from God comes human life. To say that man came out without God is like saying that there can be a watch without a watch maker or there can be a story without a writer. We owe our being to God who created us in His image (Genesis 1:27). Our existence on earth depends on God, whether we accept or not that there is a God.
God continues to give life and sustain,
He is life (Psalm 104: 10-32), and all things are alive because of Him (Colossians 1:17). Even those who reject God receive life from Him. “For he maketh his sun to rise on the evil and on the good, and sendeth rain on the just and on the unjust” (Matthew 5:45). To think that man can live without God is to assume that the orchid can live without sunlight or the rose can live without water.
As Savior, God gives eternal life to believers. "In Him is life; and the life is the light of men" (John 1: 4). “Jesus came to have life and to have it in abundance” (John 10:10). “That whosoever believeth in Him should be given eternal life with Him” (John 3: 15-16). That in order for man to live - and truly live - he must acknowledge Christ (John 17: 3) .... MAN HAS NO ETERNAL LIFE WITHOUT CHRIST, OUR LORD JESUS. GLORY TO GOD!

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top