What's new

Daily Bread (May 21 2022)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
"ANG BUNGA NG PAGREREKLAMO"
(BILANG 14:26-35)
27 “Hanggang kailan magrereklamo laban sa akin ang masamang kapulungang ito? Aking narinig ang mga reklamo ng mga anak ni Israel na kanilang sinasabi laban sa akin.
28 Sabihin mo sa kanila, ‘Ako'y buháy, sabi ng Panginoon, kung ano ang sinabi ninyo sa aking pandinig ay gayon ang gagawin ko sa inyo.
29 Ang inyong mga bangkay ay mabubuwal sa ilang na ito; at ang lahat na nabilang sa inyo ayon sa inyong kabuuang bilang, mula sa dalawampung taong gulang pataas na nagreklamo laban sa akin,
30 ay hindi papasok sa lupaing aking ipinangako na patitirahan ko sa inyo, maliban kay Caleb na anak ni Jefone at kay Josue na anak ni Nun.
31 Ngunit ang inyong mga bata, na inyong sinabing magiging mga biktima ay aking papapasukin, at kanilang makikilala ang lupain na inyong itinakuwil.
32 Ngunit tungkol sa inyo, ang inyong mga bangkay ay mabubuwal sa ilang na ito.
33 At ang inyong mga anak ay magiging palaboy sa ilang na apatnapung taon, at magdurusa dahil sa kawalan ninyo ng pananampalataya, hanggang sa ang huli sa inyong mga bangkay ay humandusay sa ilang.
34 Ayon sa bilang ng mga araw na inyong lihim na ipinagsiyasat sa lupain, samakatuwid ay apatnapung araw, sa bawat araw ay isang taon, inyong pananagutan ang inyong mga kasamaan, nang apatnapung taon, at inyong makikilala ang aking sama ng loob!
35 Akong Panginoon ang nagsalita, tunay na ito'y aking gagawin sa buong masamang kapulungang ito, na nagtitipon laban sa akin. Sa ilang na ito, sila'y magwawakas, at dito sila mamamatay.’”
ITO ang tinatawag na Exodus o pagtawid o paglalakbay patungo sa lupang pangako ng Dios sa mga Israelita.
(Exodo 12:40)- Ang mga Israelita ay nanirahan sa Egipto ng 430 taon. .Naging busabos sila at naging alipin ng mga Egipsiyano, sa pamamagitan ni Moises hinango ng Dios ang mga Israelita sa kamay ng mga malulupit na taga Egipto.
Matapos tumawid sa dagat na hinati ng Dios na tinatawag na dagat ng tambo.. Naharap ang Israelita sa mahabang paglalakbay sa ilang patungo sa Canaan ang lupaing ipinangako sa kanila ng Dios na binubukalan ng gatas at pulot, ibig sabihin isang masaganang lupain. Isipin natin pumili ang Dios ng labing dalawang tiktik upang tiktikan ang Canaan, subalit puro negatibo ang report ng sampu sa mga tik tik tanging sina Josue at Caleb lamang ang may magandang report basahin po ninyo ang buOng kapitulo ng (BILANG 13...) . hindi nalugod ang Dios sa balitang ito ng mga tiktik para na rin nila kasing ipinamukha sa Dios na hindi mo kami kayang dalhin doon at iligtas nagreklamo sila ng nagreklamo, mula pa ng umalis sila ng Ehipto walang naririnig ang Dios sa kanila kundi reklamo na isinusumbong naman ni Moises sa Dios. Kaya ang ginawa ng Dios ang 40 araw ng paniniktik ay ginawang 40 taon ng paikot ikot ikot ng paglalakbay sa ilang ng mga Israelita hanggang mamatay na lahat ang mga marereklamo.. Yan ang ginawa ng Dios sa kanila.. 600,000 humigit kumulang na kalalakihan hindi pa kasama ang mga babae at mga bata at marami pang mga hindi Israelita ang sumama sa kanila, bukod doon libolibong mga hayop pa ang kasama nila sa paglalakbay
Ang tanong bakit naging 40 years na paglalakbay ang naranasan nila sa halip na mga ilang buwan lamang ayon sa pagsasaliksik ng mga iskolar ng Biblia?
Ang dahilan, napakareklamo ng mga Israelita, sa kabila ng pag iingat ng Dios sa kanila at pagliligtas, walang narinig ang Dios sa kanila kundi paghihimagsik at pagrereklamo, iilan lang ang Israelitang kinalugdan ng Dios, ito ay si Moises Josue at Caleb, dahil sila lamang ang nasumpungan ng Dios na may pusong positibo, hindi mareklamo at malaki ang pananampalatayang sasamahan sila ng Dios.. Subalit maging si Moises ay hindi nakatuntong sa lupang pangako dahil naapektuhan siya ng katigasan ng ulo ng mga Israelita naapektuhan ang kanyang emosyon at padabog na sinusunod ang ilang mga utos ng Dios, ayaw ng Dios ang pagrereklamo. Sa mga orihinal na galing sa Ehipto na medyo maedad na , sina Caleb at Josue lamang ang pinili ng Dios na makarating ng lupang pangako at ang mga kabataang may edad 19 taon pababa, lahat ng ang edad na 20 pataas ay mamamatay sa ilang,... bakit po umabot ng 40 taon ang paglalakbay.. , inantay ng Dios na mamatay lahat sa ilang ang mga marereklamo, kaya yaong mga kabataan na natira ay nasa 60 yrs old na ng makarating sa lupang pangako, may mga anak na rin sila at mga apo na doon na isinilang sa ilang, Ang nakakalungkot buhay pa si Moises subalit hindi niya narating ang lupang ipinangako sa kanya ng Dios, ipinatanaw lamang ito ng Dios sa kanya. Tandaan natin si Moises po ay hindi mareklamo, masunurin siya kay Yahweh, subalit siya ay naapektuhan ng mga ugali ng Israelita basahin nyo po ang mga talatang ito..
(Deuteronomio 3:23-29)-
23At ako'y dumalangin sa Panginoon nang panahong yaon, na sinasabi, 24 Oh Panginoong Dios, iyong minulang ipinakilala sa iyong lingkod ang iyong kadakilaan at ang iyong kamay na makapangyarihan: ano ngang Dios sa langit o sa lupa ang makagagawa ng ayon sa iyong mga gawa, at ayon sa iyong mga makapangyarihang kilos? 25 Paraanin mo nga ako, isinasamo ko sa iyo, at aking makita ang mabuting lupain na nasa dako roon ng Jordan, yaong mainam na bundok, at ang Libano. 26 Nguni't ang Panginoon ay nagalit sa akin dahil sa inyo, at hindi ako dininig; at sinabi sa akin ng Panginoon, Siya na; huwag ka nang magsalita pa sa akin ng tungkol sa bagay na ito. 27 Sumampa ka sa taluktok ng Pisga at ilingap mo ang iyong mga mata sa dakong kalunuran, at sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at masdan mo ng iyong mga mata; sapagka't hindi ka makatatawid sa Jordang ito. 28 Nguni't pagbilinan mo si Josue, at palakasin mo ang kaniyang loob at palakasin mo siya: sapagka't siya'y daraan sa harap ng bayang ito, at kaniyang ipamamana sa kanila ang lupain na iyong makikita. 29 Sa gayo'y tumahan tayo sa libis, na nasa tapat ng Beth-peor.
Hindi nakatawid si Moises, si Josue ang ipinalit ng Dios na manguna sa mga Iraelita sa pagsakop sa lupang pangako. Subalit akoy nakatitiyak na iningatan ng Dios si Moises, doon sa bundok na pinaglagakan sa kaniya ng Dios marami ang naniniwala na narapture si Moises sapagkat sa pagbabagong anyo ni Hesus ay nakipagusap siya kay Moises at Elias (Marcos 9:4) at hindi rin natagpuan ng mga Israelita ang kanyang bangkay.. Sabi ng ilan kinain daw ng mga mababangis na hayop ang bangkay ni Moises, hindi po iyon ipahihintulot ng Dios kay Moises.. Sapagkat si Moises ay itinangi ng Dios, siya lamang ang tao na nabuhay na nakikipagusap sa Dios ng derekta parang pakikipagusap ng anak sa ama.. Kaya kinupkop siya at iningatan ng Dios sa kanyang piling.
Ang kawalan ng tiwala sa magagawa ng Dios at pagrereklamo ay hindi kinalulugdan ni Yahweh, kung nais nating makamtan ang mga bagay na ipinangako ng Dios sa atin sa banal na kasulatan, maglingkod po tayo sa Dios ng buong katapatan at kagalakan, nalulugod ang Dios sa mga anak Niya na naglilingkod sa kanya ng tapat at masaya.
Mararating natin ang langit na ipinangako ng Dios kung sa kabila ng maraming mga pagsubok at hadlang ay magpapatuloy tayo ng may pagtitiis at may pagtitiwalang malalampasan natin ang lahat ng pagsubok na ating mga pinagdaraanan.. PURIHIN ANG DIYOS!!

English Ver.


"THE FRUIT OF COMPLAINT"
(NUMBERS 14: 26-35)
27 “How long will this evil assembly complain against me? I have heard the complaints of the children of Israel, which they speak against me.
28 Tell them, 'As I live, says the Lord, just as you have said in my ears, so I will do to you.
29 Your carcasses shall fall in this wilderness; and all that were numbered of you, according to your whole number, from twenty years old and upward, that have murmured against me,
30 shall not enter into the land which I sware to give you, save Caleb the son of Jephunneh, and Joshua the son of Nun.
31 But your little ones, whom you have said to be victims, I will let go in, and they will know the land which you have rejected.
32 But as for you, your dead bodies shall fall in this wilderness.
33 And your children shall be wanderers in the wilderness forty years, and sorrow because of your unbelief, until the last of your corpses shall lie in the wilderness.
34 According to the number of the days in which ye searched the land, even forty days, each day a year, shall ye bear your iniquities, even forty years, and ye shall know my wrath.
35 I the LORD have spoken it, I will surely do it unto all this evil congregation, that are gathered together against me. In this wilderness they will end, and here they will die. '”
THIS is called the Exodus or crossing or journey to the land promised by God to the Israelites.
(Exodus 12:40)- The Israelites lived in Egypt for 430 years. .They became slaves and became slaves to the Egyptians, through Moses God brought the Israelites out of the hands of the cruel Egyptians.
After crossing the sea that God divided called the sea of reeds. The Israelites faced the long journey in the wilderness to Canaan the land God had promised them that flowed with milk and honey, meaning a fertile land. Suppose God chose twelve spies to spy on Canaan, but the report of ten of the ticks was purely negative. Only Joshua and Caleb had a good report. Please read the entire chapter of (NUMBER 13 ...). God was not pleased with this news of the spies because they made it look to God that you could not take us there and save us. They complained and complained. of Moses to God. So what God did was 40 days of spying was made 40 years of round and round travel in the wilderness of the Israelites until all the complainants died .. That's what God did to them .. 600,000 approximately men not yet with women and children and many other non -Israelites accompanied them, in addition thousands of other animals accompanied them on the journey
The question is why did they experience 40 years of travel instead of just a few months according to the research of Bible scholars?
The reason, the Israelites complained so much, despite God taking care of them and delivering them, God heard nothing from them but rebellion and complaining, only a few Israelites were pleased with God, it was Moses Joshua and Caleb, because they were the only ones God found a positive heart, uncomplaining and great faith that God would be with them. But even Moses did not set foot on the promised land because he was affected by the stubbornness of the Israelites. some commandments of God, God does not want to complain. Of the relatively old Egyptians, only Caleb and Joshua were chosen by God to come to the promised land and the young people aged 19 and under, all aged 20 and over, would die in the wilderness, .. Why did the journey take 40 years .., God waited for all the complainants to die in the wilderness, so the young people who were left were 60 yrs old when they arrived in the promised land, they also had children and grandson who was born there in the wilderness, Sadly Moses was still alive but he did not reach the land that God promised him, God only showed it to him. Let us remember that Moses did not complain, he was obedient to Yahweh, but he was affected by the behavior of the Israelites. Please read these verses.
(Deuteronomy 3: 23-29)-
23And I besought the LORD at that time, saying, 24 O Lord GOD, thou hast begun to shew thy servant thy greatness, and thy mighty hand: what God is there in heaven or in earth that can do according to thy works? deeds, and according to your mighty acts? 25 Let me go over, I pray thee, and see the good land that is beyond Jordan, that goodly mountain, and Lebanon. 26 But the LORD was wroth with me for your sakes, and would not hear me; and the LORD said unto me, It is he; speak no more to me of this matter. 27 Go up to the top of Pisgah, and lift up thine eyes westward, and northward, and southward, and eastward, and behold it with thine eyes; for thou shalt not go over this Jordan. 28 But charge Joshua, and encourage him, and strengthen him: for he shall pass over before this people, and he shall cause them to inherit the land which thou shalt see. 29 So we abode in the valley over against Beth Peor.
Moses could not cross, Joshua was replaced by God to lead the Israelites in conquering the promised land. But I am sure that God kept Moses, there on the mountain where God placed him many believe that Moses was raptured because in the transfiguration of Jesus he spoke to Moses and Elijah (Mark 9: 4) and also did not find His corpse was Israelites .. Some said that wild animals ate Moses' corpse, God would not allow that to Moses .. Because Moses was chosen by God, he was the only person who lived and talked to God directly like a son talking to a father .. So God nurtured him and kept him with him.
Lack of trust in what God can do and complaining is not pleasing to Yahweh, if we want to achieve the things that God has promised us in the scriptures, let us serve God with all sincerity and joy, God is pleased with the His son who serves him faithfully and happily.
We will reach the heaven promised by God if in spite of many trials and obstacles we continue with patience and confidence that we can overcome all the trials we go through .. PRAISE GOD !!


Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top