What's new

Daily Bread (May 17 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
("SAMBAHIN ANG LUMALANG!!")
Roma 1:25
sapagkat pinalitan nila ng kasinungalingan ang katotohanan ng Diyos at sila'y sumamba at naglingkod sa nilalang sa halip na sa Lumalang na siyang pinupuri magpakailanman.
Ang malaking pagkakamali ng tao ay ang ginawang pagsamba sa mga nilalang sa halip na ang Dios na lumalang. Kahit ano pang paliwanag at pangangatwiran ang gawin ay hindi maikakailang maraming tao ay sumasamba sa mga dios na hindi naman talaga dios, dahil sila ay nilikha lamang ng iisang Diyos na pinakamakapangyarihan sa lahat. Nadaya tayo ng diablo kahit ang pamilya namin noon ay nalinlang ng diablo dahil sumasamba din noon kami sa mga dios-diosan, pero salamat sa Diyos pinalaya Niya kami sa pagluhod at pagsamba sa mga dios-diosang ito. Dalangin ko na mabuksan din ang kaisipan ng maraming Pilipino sa katotohanan ng talatang ito.. na hindi pwedeng sambahin ang nilalang lamang, kahit siya pa ang pinakamataas na puno ng isang relihiyon o pinaka dakilang santa o santo.. Ang Diyos Ama lamang, ang Kanyang Anak na nagkatawang tao ang Panginoong Hesus, at ang banal na Espiritu Santo na Siyang lumalang sa lahat ng nilikha ang dapat lamang sambahin at wala ng sino pa mang iba.
PURIHIN ANG DIYOS!!

English Ver.


("WORSHIP THE CREATOR !!")
Romans 1:25

for they exchanged the truth of God for a lie and they worshiped and served the creature instead of the Creator who is to be praised forever.

The great mistake of man is to worship creatures instead of God who created. Whatever other explanation and reasoning is made it is undeniable that many people worship gods who are not really gods, because they were created only by one God who is all -powerful. The devil deceived us even though our family was deceived by the devil because we also worshiped idols, but thank God He freed us from kneeling and worshiping these idols. I pray that the minds of many Filipinos will also be opened to the truth of this verse .. that the creature alone cannot be worshiped, even if he is the supreme head of a religion or the greatest saint or saint .. God the Father alone, His The Lord Jesus is a Son incarnate, and the holy Holy Spirit who created all creation is the only one to be worshiped and no one else.

PRAISE THE LORD!!

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top