What's new

Daily Bread (May 12 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"PANIBAGONG KALAKASAN"
( ISAIAS 40:31)
Nguni't silang nangaghihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas; sila'y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila; sila'y magsisitakbo, at hindi mangapapagod; sila'y magsisilakad, at hindi manglulupaypay.
KATULAD NG MGA AGILA.. Tignan natin ano ano ba ang katangian ng mga agila?
Matalas ang paningin ng mga agila, masasabing mas malinaw ng higit sa walong beses ang paningin ng mga agila kumpara sa isang tao.
Makapangyarihang mga pakpak nito, kapag binuka, umaabot ang mga pakpak nito ng higit dalawang metro.
Matapang ang mga ibong ito kaya naging simbolo ito ng katapangan at kapangyarihan.
Kalimitang namumugad ang mga ito sa matataas na talampas o matatayog na mga puno.
Umaabot ng 20-30 taon ang buhay ng isang agila sa natural nitong tirahan.Napakataas nilang lumipad.
Matalas ang paningin, nakikita ang kahit napakalayo, kaya kahit nasa kalawakan sila kita nila ang mga target nila na mga hayop sa baba tulad ng mga kuneho, at sumisisid sila ng lipad pababa para dagitin ang kanilang biktima.
KUNG ITUTULAD tayo sa agila dapat tayong mga Kristiyano ay matalas din ang matang espiritwal, nakikita ang mga bagay na hindi naaaninaw ng iba, sa likod ng nangyayaring pandemya ay malinaw nating nakikita na ito ay bahagi ng mga nakasulat sa biblia sa mga mangyayari sa huling araw... Kaya hindi tayo dapat magulat dahil ipinakita na ito ng Dios sa atin sa pamamagitan ng kanyang mga salita.
Kung lumilipad ang agila, sa sobrang lakas ng kanyang mga pakpak kaya niyang lumipad ng pasalungat sa hangin, kahit pa bagyo hindi niya alintana, dahil ang ginagawa ng agila lumilipad siya sa ibabaw ng bagyo, hindi niya sinusuong yung mismong bagyo naroon siya sa ibabaw nito at ibinubuka lang ang kanyang mga pakpak, na dahil sa lapad ay hindi na kailangang ikampay pa, hinahayaan niyang pumailanlang siya sa tulong ng hanging sinasalubong niya. Itinulad tayo ng Dios sa mga agila, dapat pumapailanlang tayo sa ibabaw ng mga bagyo ng buhay, huwag mo itong sagupain, o salubungin, hayaan natin siya sa ilalim natin at lumipad tayo sa ibabaw ng mga problema at suliranin, pumailanlang tayo sa presensiya ng Dios, huwag sa hanging dulot ng bagyo ng buhay.. Kapag nasa presensiya tayo ng Dios hindi mapapagod ang ating mga pakpak hindi mo kailangang kumampay ng kumampay, ibuka mo lang ang iyong pakpak at bahala sa iyo si Lord, manampalataya ka lang sa Kanya at magpahingalay sa Kanyang presensiya.
Napapagod ka na ba kapatid? Baka naman kasi sinasagupa mo ang bagyo.. Tandaan natin hindi tayo mananalo sa bagyo ng buhay malibang kasama natin ang Dios, huwag kang sumalunga sa bagyo, ang hanapin mo ay ang presensiya ng Dios na naroon sa ibabaw ng mga bagyo ng buhay...at bibigyan ka Niya ng panibagong kalakasan. Dahil kung kakampay ka ng kakampay upang sagupain ang bagyo mapapagod ka lang at manghihina,.. Ipaubaya mo yan sa Dios at doon ka magpahinga sa Banal Niyang presensiya habang malakas ang bagyo. Tandaan natin walang bagyong nagtatagal, kahit anong lakas ng bagyo humihina din siya at nawawala, tulad din ng mga bagyo ng buhay natin, mawawala din yan at matatapos.. Kaya doon tayo magtiwala sa hindi mawawala at matatapos at tapat sa Kanyang mga pangako na tayo ay kanyang bibigyan ng kapayapaan. Pumailanlang tayo at lumipad tulad ng mga agila sa presensiya ng Dios..
Muli magandang araw po at pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakailanman sa Pangalan ni Hesus.. Amen.


English Ver.


"NEW STRENGTH"
(ISAIAH 40:31)
But they that wait upon the LORD shall renew their strength; they shall mount up with wings as eagles; they shall run, and not be weary; they shall walk, and not faint.
LIKE EAGLES .. Let's see what are the characteristics of eagles?
Eagles have keen eyesight, which can be said to be more than eight times clearer than that of a human.
Its powerful wings, when opened, extend its wings more than two meters.
These birds were brave so they became a symbol of courage and power.
They usually nest on high cliffs or tall trees.
An eagle lives for 20-30 years in its natural habitat. They fly very high.
Their eyesight is sharp, they can see even very far away, so even when they are in space they can see their target animals on the chin like rabbits, and they dive flying down to snatch their prey.
IF we are to be like the eagle we Christians must also have a sharp spiritual eye, see things that others do not understand, behind the ongoing pandemic we can clearly see that it is part of what is written in the bible about what will happen in the last days. ... So we should not be surprised because God has already shown it to us through his words.
If the eagle flies, with the great strength of its wings it can fly against the wind, even if it is a storm he does not care, because what the eagle does is he flies over the storm, he does not let the storm itself he is there over it and only spreads his wings, which because of the width do not need to be fluttered further, he lets him soar with the help of the wind he meets. God has likened us to eagles, we must soar above the storms of life, do not face it, or meet it, let him be under us and let us fly above the problems and difficulties, let us soar in the presence of God , not in the wind caused by the storm of life .. When we are in the presence of God our wings will not get tired you do not have to flutter, just spread your wings and the Lord will take care of you, just believe in Him and rest in His presence.
Are you tired brother? Maybe you are facing the storm .. Let's remember we will not win the storm of life unless God is with us, do not resist the storm, what you seek is the presence of God that is there above the storms of life ... and He will give you new strength. Because if you fight side by side to face the storm you will only get tired and weak, .. Leave that to God and there you will rest in His Holy presence while the storm is strong. Let us remember that no storm lasts, no matter how strong the storm is, it also weakens and disappears, just like the storms of our lives, it will also disappear and will end. he will give you peace. Let us soar and fly like eagles in the presence of God.
Good day again and may God bless us now and forever in Jesus Name .. Amen.


Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top