What's new

Daily Bread (March 9 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
. (AWIT 118:8-9).
"Higit na mabuti na doon kay Yahweh magtiwala ako,kaysa panaligan yaong mga tao.
9 Higit ngang mabuting
ang pagtitiwala'y kay Yahweh ibigay,
kaysa pamunuan ang ating asahan."
Magandang araw po sa ating lahat, saglit po tayong magnilay ng mga Salita ng buhay,... HINdi po masama na humingi tayo ng tulong sa ating kapwa o umasa tayo sa ibang tao,.. Subalit dapat ito po ay laging nasa lugar at panuntunan ng Dios. Kung talagang wala ng malalapitan nariyan ang ating kapwa para hingan ng tulong.. Subalit kailangang nakahanda ka sa dalawang resulta, maaring tulungan ka at pwede ding hinde.. Lalo na ng dumating ang pandemya daming umaasa sa pamunuaan ng gobyerno, maraming natulungan, pero marami din ang umasa sa wala.. Kaya para di po tayo umasa at mabigo huwag nating masyadong asahan ang magagawa ng tao, dahil ang tao ay may hangganan at may posibilidad na hindi makatupad sa kanyang pangako..
Huwag din naman tayo mamihasa at masanay na laging tayo nalang ang tinutulungan at binibigyan ng pabor. Hindi porket may kakayanan yung taong inaasahan natin e sasagarin natin ang paghingi ng tulong. May hangganan ang lahat ng bagay. Huwag nating abusuhin ang pagtulong ng mga tao sa atin. Subukan natin na tayo naman ang magbigay ng tulong. Hindi kailangan bongga, kahit sa maliit na paraan man lang. Sa paraan na kaya natin. Yung ayon lang sa ating kakayahan. Kahit hindi ka mayaman at kaunti lamang ang pera mo,..may paraan para makapagbigay ng tulong, pwede tayong magbigay ng libreng serbisyo sa ating kapwa. Ihandog natin ng libre ang ating mga kakayanan at talento, ng walang bayad.. Ang pagbibigay ng panahon sa ating kapwa ay napakahalaga din, Sikapin mong makatulong sa lahat ng pagkakataon because it’s better to give than to receive.
At higit sa lahat mga kapatid sa Dios po tayo umasa sabi po ng ating talata ngayon, ( Awit 118:8-9) "Higit na mabuti na doon kay Yahweh magtiwala ako,kaysa panaligan yaong mga tao.
9 Higit ngang mabuting
ang pagtitiwala'y kay Yahweh ibigay,
kaysa pamunuan ang ating asahan."
Ngayon ang daming umaasa sa iluluklok muling mamumuno sa ating Bansa, at malimit tayong mabigo sa ating inaasahan sa kanila, kaya sa Dios lang tayo umasa at magtiwala mga kapatid, dahil sa Dios tiyak na hindi po tayo mabibigo.
Muli ang biyaya at pagpapala ng Dios ay sumaating lahat sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

English Ver.


. (PSALM 118: 8-9).
“It is better for me to trust in the Lord than to trust in men.
9 Even better
trust in Yahweh,
than to lead what we expect. "
Good day to all of us, let's meditate for a moment on the Words of life, ... It is NOT bad for us to ask for help from our neighbors or to rely on other people, .. But it must always be in place and rule of God. If our neighbors really have no one to turn to for help .. But you have to be prepared for two results, you can be helped and you can also not .. Especially when the pandemic came many relied on the government leadership, many helped, but many also to hope for nothing .. So so that we do not hope and fail we should not expect too much what man can do, because man has a limit and there is a possibility of not fulfilling his promise ..
Let us also not become accustomed and get used to the fact that we are always the ones who are helped and given favors. The person we are hoping for is not capable, we will stop asking for help. Everything has a limit. Let us not abuse the way people help us. Let's try to help ourselves. No need to be pretentious, even in a small way. In the way we can. Just according to our ability. Even if you are not rich and you have little money, .. there is a way to provide help, we can provide free services to our neighbors. Let’s offer our skills and talents for free, free of charge. Giving time to our neighbors is also very important. Try to help at all times because it’s better to give than to receive.
And above all, brothers and sisters, let us trust in God, says our verse today, (Psalm 118: 8-9) "It is better that I trust in the LORD, than that I should put my trust in man.
9 Even better
trust in Yahweh,
than to lead what we expect. "
Today, many are hoping for a re -election to lead our country, and we often fail in what we expect from them, so let us rely and trust only in God, brothers and sisters, because in God we will certainly not fail.
Once again the grace and blessing of God be upon us all in the Name of our Lord Jesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top