What's new

Daily Bread (March 8 2022)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
"DINADALISAY NG PAGSUBOK
(1 Pedro 1:6-7)
“Ito'y dapat ninyong ikagalak, bagamat maaaring magdanas muna kayo ng iba't ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon. Ang ginto, na nasisira, ay pinararaan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay. Gayon din naman, ang inyong pananampalataya, na higit kaysa ginto, ay pinararaan sa pagsubok upang malaman kung talagang tapat. Sa gayon, kayo'y papupurihan, dadakilain, at pararangalan sa Araw na mahayag si Jesu-Cristo.”
ISANG mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ang isa sa pinakamahirap na bahagi ng buhay Kristiyano ay ang katotohanan na ang pagiging tagasunod ni Kristo ay hindi garantiya na hindi tayo makakaranas ng mga pagsubok at kahirapan. Bakit hinahayaan ng isang mabuti at mapagmahal na Diyos na dumaan tayo sa mga pagsubok at kahirapan gaya ng kamatayan ng anak, pagkakasakit, kapinsalaan sa atin o sa ating mahal sa buhay, kasalatang pinansyal, pagaalala at pagkatakot? Sabi ng marami,.. "Kung tunay na iniibig tayo ng Diyos, aalisin Niya ang mga bagay na ito sa ating buhay. Hindi ba’t ang pagmamahal ay nangangahulugan na nais Niyang mabuhay tayo ng maginhawa at komportable?" Ngunit hindi gayon. Malinaw na itinuturo sa atin ng Bibliya na iniibig Niya ang kanyang mga anak at “sa lahat ng bagay, ang Diyos ay gumagawang kasama ang mga nagmamahal sa kanya, ang mga tinawag ayon sa kanyang panukala, sa kanilang ikabubuti” (Roma 8:28). Kaya nangangahulugan ito na pinahihintulutan Niya ang mga pagsubok at kahirapan sa ating buhay at ang mga ito ay bahagi ng paggawa Niya sa lahat ng bagay–para sa ating ikabubuti. Kaya nga, para sa mananampalataya, may mabuting layunin ang Diyos sa likod ng mga pagsubok at kahirapan... Ang mga pagsubok ay nagpapatatag at nagpapadalisay ng ating pananampalataya..
Katulad sa lahat ng bagay, ang pinakalayunin ng Diyos para sa atin ay lumago tayo at maging katulad sa kabanalan ng Kanyang Anak (Roma 8:29).
"29 Sapagkat sa mula't mula pa'y alam na ng Diyos kung sino ang magiging kanya at ang mga ito'y pinili niya upang maging katulad ng kanyang Anak. Sa gayon, siya ang naging panganay sa lahat ng maraming magkakapatid."
Ito ang layunin sa buhay ng Kristiyano, at sa lahat ng nangyayari sa ating buhay, kasama ang mga pagsubok at kahirapan. Ito ay bahagi ng proseso ng pagiging banal ng Diyos sa atin, sa pagtatalaga Niya sa atin para sa Kanyang layunin at upang maging karapatdapat tayo sa Kanyang kaluwalhatian. Ang paraan kung paano ito ginagawa ng Diyos sa pamamagitan ng mga pagsubok ay ipinaliwanag ni Apostol Pedro sa 1 Pedro 1:6-7: “Ito'y dapat ninyong ikagalak, bagamat maaaring magdanas muna kayo ng iba't ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon. Ang ginto, na nasisira, ay pinararaan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay. Gayon din naman, ang inyong pananampalataya, na higit kaysa ginto, ay pinararaan sa pagsubok upang malaman kung talagang tapat. Sa gayon, kayo'y papupurihan, dadakilain, at pararangalan sa Araw na mahayag si Jesu-Cristo.” Ginagawang dalisay ng mga pagsubok at kahirapan ang pananampalataya ng mga tunay na mananampalataya upang maging payapa sila sa kaalaman na ito ay totoo at tatagal. Mapalad tayo kapag tayo mga kapatid ay dumadanas ng ibat ibang pagsubok ito ay pagpapatunay na tayo ay tunay na mga alagad ni Kristo. (Santiago 1:12) "Mapalad ang taong nananatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok dahil pagkatapos niyang mapagtagumpayan ang mga ito, tatanggapin niya bilang gantimpala ang buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Dios sa mga nagmamahal sa kanya."
Pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Eng Ver.


“PURIFIED BY TEST
(1 Peter 1: 6-7)
“You should rejoice, though you may first go through various trials for a short time. Gold, which is perishable, is passed through fire to determine if it is really pure. In the same way, your faith, which is more than gold, is tested to see if it is really honest. Then you will be praised, exalted, and honored on the day when Jesus Christ is revealed. ”
A blessed day for all of us to meditate on the Words of God again.
One of the hardest parts of the Christian life is the fact that being a follower of Christ does not guarantee that we will not experience trials and hardships. Why does a good and loving God allow us to go through trials and hardships such as the death of a child, illness, injury to us or our loved ones, financial hardship, anxiety and fear? Many say, "If God truly loves us, He will remove these things from our lives. Doesn't love mean that He wants us to live comfortably and comfortably?" But not so. The Bible clearly teaches us that He loves His children and “in all things God worketh with all them that love him, those who are called according to his purpose, for their good” (Romans 8:28). . So it means that He allows trials and difficulties in our lives and they are part of what He does in all things – for our good. Therefore, for the believer, God has a good purpose behind trials and tribulations ... Trials strengthen and purify our faith.
As in all things, God's ultimate purpose for us is for us to grow and become like the divinity of His Son (Romans 8:29).
"29 For God knew from the beginning who they were that they should be his and he chose them to be like his Son. So he became the firstborn of many brothers and sisters."
This is the purpose of the Christian life, and of everything that happens in our lives, including trials and tribulations. It is part of the process of God becoming holy to us, in setting us apart for His purpose and making us worthy of His glory. The way God does this through trials is explained by the Apostle Peter in 1 Peter 1: 6-7: weather. Gold, which is perishable, is passed through fire to determine if it is really pure. In the same way, your faith, which is more than gold, is tested to see if it is really honest. Then you will be praised, exalted, and honored on the day when Jesus Christ is revealed. ” Trials and hardships purify the faith of true believers so that they can be at peace with the knowledge that it is true and will last. Blessed are we when we brothers and sisters go through various trials it is proof that we are true disciples of Christ. (James 1:12) "Blessed is the man who endures trials, for after he has overcome them, he will receive as a reward the eternal life, which God has promised to those who love him."
God bless us now and forever in the Name of our Lord Jesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top