What's new

Daily Bread (March 6 2022)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
"ANG TUMANGGAP AT SUMAMPALATAYA"
(Juan 1:12)
"Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos."
MApagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ayon po sa talata natin sino daw po ang binigyan ng karapatang maging mga anak ng Dios... Ang tatawagin pong mga anak ng Dios ay walang iba kundi ang mga taong tumanggap sa Bugtong na Anak ng Diyos ang ating Panginoong Hesus. Tayong mga sumampalataya at tumanggap sa Kanya dahil Siya ay ibinigay ng Ama kailangan natin Siyang tanggapin at sampalatayanan. Tig nan po natin ang sinasabi ng (Juan 3:16-) "Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan."
At maliwanag ding sinasabi sa talatang labingpito at labing walo na hindi na hahatulan ng Dios ang sasampalataya sa Kanyang Anak. Sa ating Panginoong Hesus... " 17sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang mga tao, kundi upang iligtas ang mga ito sa pamamagitan niya." 18 Hindi hinahatulang maparusahan ang sumasampalataya sa Anak. Ngunit hinatulan na ang hindi sumasampalataya, sapagkat hindi siya sumampalataya sa kaisa-isang Anak ng Diyos." Subalit mga kapatid ang hindi sumampalataya ayon sa talata ay hinatulan na... Sumasampalataya ka ba sa ating Panginoong Hesus?
Ang Ibig sabihin nito ay dapat ang bawat isa ay lumapit sa Diyos sa parehas na paraan: (1) bilang makasalan na aaminin ang kanyang pagkakasala,
(2) ang pagkilala na walang gawa ng tao ang magbubunga/magdadala ng kaligtasan, at
(3) lubos na pagtitiwala na kay Kristo lamang sa pamamagitan ng pananampalataya lamang ang tao ay magkakaroon ng kaligtasan.
Kung gusto mo na tanggapin at pagtiwalaan si Kristo bilang sariling tagapagligtas, pwede mong ipahayag ang iyong pananampalataya kay Kristo sa pamamagitan ng maikling panalangin na umaamin sa yong pagiging makasalanan, pagtanggap ng kanyang kapatawaran at sa pagbibigay ng iyong pananampalataya kay Kristo para sa iyong kaligtasan.
Manalangin po kayo ng ganito mula sa inyong puso.
"Panginoong Hesus kailangan ko po kayo sa aking buhay bilang aking Panginoon at tagapagligtas.. Maraming salamat po sa pagpapapako ninyo sa krus upang tubusin ang aking mga kasalanan. Inaamin ko po na ako ay isang makasalan, humihingi po ako ng tawad sa inyo at kinikilala ko din po na ang Inyong ginawa doon sa Krus ng kalbaryo ay sapat na at kumpleto na upang magkaroon po ako ng buhay na walang hanggan... Tinatanggap ko po kayo sa aking buhay na bilang tagapagligtas at aking Panginoon. Marami pong salamat sa pagpapatawad sa aking mga nagawang kasalanan at sa ibinigay ninyong walang hanggang buhay sa akin. Ito po ang aking dalangin sa Makapangyarihang Pangalan mo Panginoong Hesus. Amen"
Sumaating lahat ang pagpapala ng Diyos ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
andami started on feb 27
seryoso nakakatamad po mag basa ng tagalog ienglish mo po sana babasahin ko po yan lahat
 

Similar threads

Back
Top