What's new

Daily Bread (March 3 2022)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
ROMA 1:18
" 18 Nahahayag mula sa langit ang poot ng Diyos laban sa lahat ng kalapastanganan at kasamaan ng mga taong dahil sa kanilang kasamaan ay hinahadlangan ang katotohanan."
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Kitang kita at hayag ang nangyayaring kasamaan sa ating mundo, hindi na ito ikinukubli lantaran na at hindi na ikinahihiya, grabe ang ginagawa ng diablo sa moralidad ng tao at pagtaas ng antas ng mga krimen at pagwasak maging sa loob ng simbahan at tahanan..
Bumababa ang mga pamantayan ng moralidad. Sinasalakay at nawawasak ang pamilya. Ang pagmamahal sa puso ng mga lalaki at babae ay lumalamig at pakunwari (tingnan sa Mateo 24:12-14 )" Lalaganap ang kasamaan, kaya't manlalamig ang pag-ibig ng marami. 13 Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas. 14 Ipapangaral sa buong sanlibutan ang Magandang Balitang ito tungkol sa kaharian ng Diyos upang magsilbing patotoo sa lahat ng mga bansa. At saka darating ang wakas.”
( Mga Taga Roma 1:31). Mga Taga-Roma 1:31 "Sila'y naging mga hangal, mga taksil, mga walang puso, at di-marunong lumingap sa kapwa."
Patuloy ang pagkasira ng integridad, katapatan, at kabutihan ng mga pinuno sa pulitika, negosyo, at iba pa. Laganap ang digmaan at alingawngaw ng mga digmaan sa mga bansa at relihiyon. At ang mas mapanira pa kaysa anumang armadong labanan ay ang digmaan ng mabuti at masama—sa pagitan ng Tagapagligtas kasama ang Kanyang hukbo ng liwanag at ni satanas kasama ang kanyang masasamang kampon ng kadiliman.
Napopoot ang Dios sabi ng ating talata sa mga kinakasangkapan ni satanatas sa kasamaang ito... Kaya tayong mga mananampalataya ay dapat na sensitibo dito... tignan natin ang nangyayari sa ating paligid, huwag tayong magsawalang kibo kundi sa halip ay ipangaral natin ang mabuting balita sa iba ng sa ganoon marami ang maligtas sa tiyak na kapahamakan.
Ibahagi natin mga kapatid ang kaligtasang atin ding natamasa bunga ng pangangaral ng iba sa atin.. hindi dapat mahinto sa atin ibalita din natin ito sa iba.
Pagpalain po tayong lahat ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top