What's new

Daily Bread (March 26 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"WALANG PAMAHALAANG HINDI MULA SA DIYOS"
(ROMA 13:1-2)
13 Ang bawat tao'y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral. 2 Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinalaga ng Diyos; at sila'y nararapat sa parusa.
MULi po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ang bawat Bansa o Nasyon ay may kanyakanyang pamahalaan. Ang isang Bansang walang gobyerno ay napakagulo, walang kaayusan at magkakanyakanya, dahil walang batas na umiiral. At ang sabi ng ating talata, walang pamahalaang hindi mula sa Dios, ibig sabihin kahit sino pa ang namumuno o mamumuno sa ating pamahalaan iyan ay mula sa Dios. Kaya dapat tayong pasakop. Ang ating bansa kaya magulo at hindi nagkakaisa, ang unang dahilan, marami sa atin ang hindi sinusunod ang mga namumuno, may kanya kanyang agenda at partido. Kaya nga po may eleksiyon upang yung gusto ng marami ang maluluklok at pag ang majority ang nagwagi lahat ng mamamayan ay dapat na pasakop sa naluklok sa pamahalaan dahil iyon ang kalooban ng Dios.
Pangalawa, dapat bang tumakbo ang isang Kristiyano sa isang posisyon sa pulitika? Para sa ibang Kristiyano ang sagot ay siguradong hindi; para naman sa iba, ang sagot ay siguradong oo. Ito ay personal na desisyon na nangangailangan ng panalangin at katalinuhan na tanging ang Diyos ang makakapagbigay at Kanyang ipinangako sa mga humihingi nito (Santiago 1:5). Dapat tandaan ng mga Kristiyanong pulitiko na ang kanilang tungkulin sa Panginoon ang dapat nilang unahin kaysa sa kanilang tungkulin sa tao. Sinabi ni Pablo, "Kaya kung kayo'y nagsisikain man, o nagsisiinom man o anoman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios (1 Corinto 10:31; Colosas 3:17). Kung maghahangad ang isang Kristiyano ng isang posisyon sa lipunan, tama iyon kung magagampanan niya ng tapat ang kanyang tungkulin na kaakibat ng posisyon para sa kaluwalhatian ng Panginoon ng hindi ikinokompromiso ang mga prinsipyong Kristiyano. Mga kapatid, maging mapagbantay po tayo ngayong papalapit na Eleleksiyon, idalangin natin sa Dios na ang kalooban Niya ang masunod, at nawa ay magkaroon tayo ng malinis at mapayapang Eleksiyon, at sino man ang mahalal na mga mamumuno, pasakop tayo sa kanila dahil walang pamahalaang hindi kalooban ng Dios.
PURIHIN SI YAHWEH!!

English Ver.


"NO GOVERNMENT IS NOT FROM GOD"
(ROMANS 13: 1-2)
13 Let every soul be in subjection to the higher powers: for there is no power but of God; and the powers that be are ordained of God. 2 Wherefore, he that resisteth the government, resisteth the ordinance of God; and they deserve punishment.
Let us meditate on the Words of God AGAIN.
Each Country or Nation has its own government. A Nation without a government is very chaotic, disorganized and self -sufficient, because no law exists. And our verse says, there is no government that is not from God, meaning whoever else leads or will lead our government that is from God. So we must submit. Our country is so chaotic and not united, the first reason, many of us do not follow the leaders, he has his agenda and party. That is why there is an election so that those who want the majority can be elected and if the majority wins, all the people must submit to those who are in government because that is the will of God.
Second, should a Christian run for a political position? For other Christians the answer is definitely no; for others, the answer is definitely yes. It is a personal decision that requires prayer and wisdom that only God can give and He promises to those who ask for it (James 1: 5). Christian politicians must remember that their duty to the Lord should take precedence over their duty to man. Paul said, "Whether therefore you eat, or drink, or whatever you do, do all to the glory of God" (1 Corinthians 10:31; Colossians 3:17). position in society, that is right if he can faithfully fulfill his duty associated with the position for the glory of the Lord without compromising Christian principles.Brothers and sisters, let us be vigilant in this approaching Election, let us pray to God that the will He is to be obeyed, and may we have a clean and peaceful Election, and whoever the elected leaders are, let us submit to them because there is no government that is not God's will.
PRAISE YAHWEH !!

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top