What's new

Daily Bread (March 2 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
ANG MAMATAY AY PAKINABANG
(Filipos 1:21)
21 Sapagkat para sa akin, ang buhay ay para kay Cristo at ang kamatayan ay pakinabang.
Muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios mga kapatid, pagpalain po tayong lahat ng Diyos..
Gaano karaming tao nga ba ang nabubuhay sa mundo, ayon sa datos mayroon tayong 7.3 Bilyong tao na nabubuhay sa mundo, kada segundo ay may ipnapanganak na bata, subalit araw araw din ay libolibo ang namamatay sa ibat ibang kadahilanan.
Bawat segundo ay may tatlong tao na pumapanaw sa mundo. Kaya gamit ang siyensya, pinipilit ng tao na pigilan ang kamatayan. Sa ngayon may nagsasabing may mga medisina ngayon na nakatutulong para mapahaba ang buhay, hindi naman tayo tutol dyan lalo na kung walang bisyo at maingat sa kalusugan ang isang tao, subalit hindi pa rin mapipigil ang kamatayan dahil yan ay itinakda ng Dios sabi yan sa (Hebreo 9:27) Nakatakda sa tao ang mamatay na minsan at pagkatapos ay ang paghuhukom.
Nandiyan ang mga gamot at mga aparatong medikal na kahit papaano, ay nagpapahaba ng buhay. Pero, tanggapin man natin o hindi. Hindi pa po tayo nagtagumpay sa pagpigil sa pagdating ng kamatayan.
Para sa marami ang kamatayan ay nakakatakot na katotohanan. Sa iba, ito ay pagkalugi. Ito ay nagreresulta sa pagkawala ng mahal sa buhay, o ng kaibigan. Ang kamatayan o karaniwang tinatanggap ng marami bilang isang trahedya. Ito ay masakit na karanasan sa buhay, dahil sa pagkawala ng buhay ng isang tao.
Pero sa ating binasang talata mula sa Biblia, ang kamatayan ayon kay Apostol Pablo ay isang pakinabang at hindi isang pagkalugi. Marahil ito ay isang palaisipan sa atin, dahil sa dami ng kahirapan at kasalanan sa daigdig na ito bilang isang apostol ni Kristo, kay Pablo ang kamatayan ay pakinabang... tapos na ang kanyang pakikipaglaban sa mga taong ayaw tanggapin ang katotohanan ng kanyang pananampalataya. Wala ng magkukulong sa Kanya at bubugbog kapag mangangaral siya. At higit sa lahat makikita na niya ng mukhaan ang Panginoong Hesus na kanyang pinaglilingkuran. Tayo marahil ay natatakot humarap sa kamatayan lalo na kung napakaganda naman ng kalagayan natin dito sa mundo. Subalit tandaan po natin mga kapatid na gaano man kaganda ang buhay mo sa daigdig na ito hindi ito maitutumbas sa kaluwalhatiang ating mararanasan doon sa langit sa piling ng Dios.. At isa pa hindi maibibigay ng daigdig na ito ang tunay na kapayapaang hinahanap natin. Tanging kay Kristo lang natin masusumpungan ang kakumpletuhan ng buhay at tunay na kapayapaan. Para sa akin, tulad ng sinasabi ni Apostol Pablo, ang mabuhay ay para kay Kristo at ang kamatayan ay pakinabang. Si Kristo ang gawin nating buhay dito sa daigdig na ito upang sa kabilang buhay ay makamit natin ang kapakinabangan sa piling ng Dios.
Pagpalain po tayong lahat ng Diyosngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top